298 total views
Kapanalig, napaaraming Filipino ngayon ang kumakapit sa pagasang makatakas ng kahirapan. At marami sa kanila, ang pag-a-abroad ang nakikitang paraan magawa ito. Dito kasi sa ating bansa, nasa 18.1% ang poverty incidence. Katumbas ito ng halos 20 milyong naghihirap na Filipino.
Kaya lamang, nagdidilim ang pag-asang ito dahil maski ang pangarap na makatrabaho sa ibang bansa ay ginagawang bangungot ng mga taong nanamantala sa kahirapan at kahinaan ng mga kababayan natin.
Nitong unang dalawang buwan ng 2023, tumaas ang bilang ng mga biktima ng human trafficking sa ating bansa. 2,000 tao ang naging biktima nito noong Enero at Pebrero, halos kasingdami na ng bilang para sa buong taon ng 2022.
Ayon sa mga pagsusuri, karaniwang dinadala ang mga Filipinong biktima ng hunan trafficking sa Myanmar. Doon, kinukumpiska ang kanilang mga passports. Dinadala sila sa forced labor, kung saan karaniwang sila ay pinagtatrabaho nilang call center agents ng mga online scamming at iba pang illegal na gawain. Marami sa kanila ay tino-torture kapag hindi nakamit ang mga takdang sales quota. May mga kababayan tayong kinukuryente, binubugbog, at pinapalipat-lipat sa iba ibang mga amo.
Kapanalig, sa halip na bumuti ang buhay ng ating mga kababayan nag-a-abroad, marami sa kanila ay nasasadlak pa sa madilim na mundo ng human trafficking. Paano ba natin mawawaksi ang krimen na ito sa ating bayan?
Ang maigting na pagbabantay ng ating pamahalaaan sa isyung ito ay napakahalaga. Ang Department of Foreign Affairs, Department of Justice, at iba pang kaugnay na ahensya ay kailangan pang bigyan ng ipin ang the Anti-Trafficking in Persons Act, ang batas ng bansa na naglalayon na matanggal at mapigil ang krimen na ito sa ating bayan.
Kailangan din ng bansa na mas mataas na kamalayan ukol sa human trafficking, ang mga karaniwang modus nito, at paano maiwasan maging biktima nito. Kadalasan, maraming mga Filipino ang nabibiktima nito dahil sa pagnanais na umunlad, hindi na nila nakikita o nahahalata ang panlilinlang na ginawaga sa kanila.
Kailangan din, siyempre, matugunan ang problema ng kahirapan at kakulangan sa trabaho sa bansa, lalo na sa mga lalawigan. Kung mahaharap natin ito, hindi na kailangan ng mag-abroad ng maraming Filipino para magkaroon ng trabaho.
Kapanalig, maantig sana tayo sa mga kataga noon ni Pope Francis ukol sa human trafficking sa kanyang sulat para kay Archbishop Jean-Louis Tauran para sa International Conference “Twenty-First Century Slavery – The Human Rights Dimension to Trafficking in Human Beings: The trade in human persons constitutes a shocking offence against human dignity and a grave violation of fundamental human rights…Such situations are an affront to fundamental values which are shared by all cultures and peoples, values rooted in the very nature of the human person.
Sumainyo ang Katotohanan.