Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Naghihintay ang Aleppo

SHARE THE TRUTH

 164 total views

Mga Kapanalig, habang tayo dito sa ating bansa ay nababahala sa mga isyung tila sinusubok ang pagpapahalaga natin sa buhay at karapatang pantao, may mga bahagi ng mundo kung saan higit na nasusubok ang pandaigdigang pagkakaisa laban sa karahasan at pagpaslang sa mga sibilyang naiipit sa mga madugong digmaan. Tingnan natin ang nagaganap sa Aleppo, ang pinakamalaking lungsod sa bansang Syria sa Gitnang Silangan.

Doon ay may matagal nang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng lumalaban sa rehimeng Assad, ang pangulo ng Syria na tinuturing nilang mapanupil at mapang-api. Sinusuportahan ng Russia ang rehimeng Assad samantlang sinusuportahan ng Amerika at mga kaalyado nito ang oposisyon. Mula 2011, tumagal ang digmaang ito hanggang nasakop ng mga rebelde ang mahalagang siyudad ng Aleppo. Subalit buong bagsik na nilabanan ng pamahalaan ang pagkubkob ng mga rebelde sa Aleppo sa pamamagitan ng pagbomba at pagpulbos sa lungsod upang puksain at ubusin ang oposisyon. Sa kasamaang palad, napakaraming mga sibilyan ang naiipit sa digmaang ito—mga ordinaryong mamamayan, mga bata, at kababaihang walang kinalaman sa mga rebelde. Ayon sa isang ulat ng Syrian Observatory for Human Rights, simula noong Nobyembre lamang, halos 600 sibilyan, kasama ang mahigit 100 na mga bata, ang nasawi sa Aleppo mula nang ilunsad ng pamahalaan ang pinakahuli nitong opensiba upang bawiin ang Aleppo mula sa mga rebelde.

Mga Kapanalig, maaring itanong ninyo: bakit kailangan pa tayong mabagabag o makialam sa mga nagaganap sa napakalayong lugar ng Aleppo, samantalang mayroon tayong sariling mga problema ng mga pagpatay, karahasan, at digmaan dito mismo sa ating bansa tulad ng giyera kontra masamang droga?

Sa krisis na nagaganap sa Aleppo, sa walang habas na karahasan na ginagawa ng isang gobyerno laban sa mga sibilyang naiipit sa isang digmaan, nasasaksihan ng mundo ang kalupitang maaring gawin ng isang pamahalaan labas sa sarili nitong mga mamamayang walang kalaban-laban. Nasasaksihan din ng mundo na walang magawa ang iba pang mga bansa laban sa ganitong mga karahasan kahit na nakikita nila kung gaano kasama at kamali ang nangyayaring pagpatay sa mga tao.
Mga Kapanalig, dito nasusubok kung ano ang kayang gawin ng pandaigdigang komunidad o global community upang wakasan na ang isang napakalinaw na kasamaang nagaganap sa ating mundo. Isipin natin, mga Kapanalig, kung ang bawa’t bansa ay iisipin na wala tayong pakialam at walang dapat gawin sa mga ‘di makatao at ‘di makatuwirang karahasang nagaganap sa ibang bansa, sino pa ang makakasagip sa mga mamamayang inaapi ng sarili nilang pamahalaan? Kung ang bawat bansa ay sasabihing walang ibang bansang dapat makialam sa ginagawa nito sa sarili niyang teritoryo at sa sarili niyang mga mamamayan, paano na ang mga taong walang habas na pinapatay ng kanilang gobyerno dahil lamang may gusto itong puksaing mga kaaway?

Dahil sa posibilidad na ang mga pamahalaan ay maaring maging mapanupil at marahas laban sa mga mamamayan nito, bumuo ang maraming bansa ng mga organisasyong pandaigdigan, tulad ng International Criminal Court at ng United Nations, upang itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao ng lahat sa anumang bansang nakapaloob sa mga organisasyong ito. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ating Simbahan ay malaki ang pagtingin sa papel ng ganitong mga pandaigdigang organisasyon sa pagtataguyod ng katiwasayan, seguridad, katarungan, at paggalang sa mga karapatang pantao. Ang pagsapi ng isang bansa sa mga organisasyong ito ay isang paraan upang protektahan ng mga mamamayan ang kanilang sarili laban sa mga namumuno sa kanila kung ang mga ito ay maging mapang-api at mapanupil.
Sa panahong ito ng Adbyento, sa panahong naghihintay tayo ng pagdating ni Hesus na ating tanging tunay na tagapaligtas at manunubos, ang mga taga-Aleppo ay naghihintay din ng kanilang kaligtasan mula sa karahasan at kamatayan. Ano kaya ang maari nating magawa? Pagnilayan po natin, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,555 total views

 11,555 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,670 total views

 21,670 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 31,247 total views

 31,247 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 51,236 total views

 51,236 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 42,340 total views

 42,340 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,556 total views

 11,556 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,671 total views

 21,671 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 31,248 total views

 31,248 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 51,237 total views

 51,237 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 42,341 total views

 42,341 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,618 total views

 40,618 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 44,187 total views

 44,187 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,643 total views

 56,643 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,710 total views

 67,710 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 74,029 total views

 74,029 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,641 total views

 78,641 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 80,202 total views

 80,202 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,763 total views

 45,763 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,424 total views

 68,424 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,840 total views

 73,840 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top