361 total views
Inanunsyo ni Mati Bishop Abel Apigo ang pagpanaw ni Bishop Alo nitong Abril 13, 2021.
Ayon sa obispo, ganap na alas 4:35 ng hapon ng Martes nang namayapa ang dating obispo ng Mati.
Ang 81 taong gulang na obispo ay ipinanganak noong Disyembre 2, 1939 sa lalawigan ng Cebu.
Naordinahang pari noong Marso 1964, naitalagang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Davao noong Abril 14, 1981.
Itinalaga si Bishop Alo na obispo ng Mati noong 1984 at nagretiro noong 2014 makaraan ang tatlong dekadang paninilbihan matapos maaabot ang mandatory retirement age ng isang obispo.
Humiling naman ng panalangin si Bishop Apigo sa kapayapaan ng kaluluwa no Bishop Alo.