341 total views
Inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Abril para sa lahat na nagsusumikap na maisulong ang pagkakaraoon ng maayos na lipunan sa kabila ng anumang banta ng kapahamakan.
Tinukoy ni Pope Francis ang mga walang takot na iniaalay ang kanilang buhay upang maisulong ang pangunahing karapatang pantao ng bawat mamamayan lalo na sa mga lugar kung saan nananaig ang diktadurya.
Sinabi ng Santo Papa na mahalaga ang patuloy na paninindigan sa tama at pagsusulong sa mga karapatan at kalayaan ng bawat isa na nababalewala lamang.
“We pray for those who risk their lives while fighting for fundamental rights under dictatorships, authoritarian regimes and even in democracies in crisis.” ang prayer intention ni Pope Francis tungkol sa Fundamental Rights ng bawat isa.
Bahagi rin ng panalangin ni Pope Francis ang tuwinang pananaig ng kapayapaan, pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pag-ibig, kalayaan at katarungan ang pangunahing pundasyon ng isang mundo kung saan nananaig ang kapayapaan at nakasentro sa Poong Maykapal.