139 total views
Suportado ng Luzon bishop ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na papangalanan nito ang ilang mga milyonaryong hindi nagbabayad ng buwis.
Ayon kay Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba, nirerespeto at sinasang – ayunan nito ang hakbangin ng pangulo na ianunsyo ang pangalan ng mga tax evaders sa bansa kaysa sa magbulag – bulagan na lamang ang pamahalaan sa ganitong uri ng korapsyon.
“That is the prerogative of the president. What are the other alternatives? Is there other alternative will be turn a blind eye close his eye. O sige you can do it na lang kahit na hindi kayo magbayad ng buwis. Okay lang ba yun,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mayugba sa panayam ng Veritas Patrol.
Naniniwala rin si Bishop Mayugba na matapos ibigay ang listahan ng ilang negosyanteng tax evaders ay isusunod naman ng pangulo ang ilang mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa ganitong uri ng kalakaran.
“Ang aking sinasabi lang is the president is finding a ways to ‘stop’ andami naman nating alam diyan na pagka – inasok niya yun susunod na maibestigahan of course the other government agencies. Why did this happen? May tax evaders because a system allows people to evade tax,” giit pa ni Bishop Mayugba sa Radyo Veritas.
Nauna na ring inatasan ni Pangulong Duterte ang Bureau of Immigration na ipatupad ang “No tax payment, no travel policy,” sa mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Nabatid na mula sa record ng Bureau of Internal Revenues (BIR) noong 2010 nasa 52 lamang ang lumalabag sa pagbabayad ng tax.
Nakasaad naman sa bibliya na mismong si Hesus ay nagbayad ng buwis bilang obligasyon nito sa pamahalaang Romano na umiiral sa kanyang panahon.