1,256 total views
Iwaksi ang rasismo at ipatupad ang nag-iisang living minimum wage para sa mga Domestic Migrants Workers (DMW).
Ito ang apela ng Asian Migrants Coordinating Body (AMCB) sa pamahalaan ng Hong Kong sa pagdami ng mga DMW sa bansa.
Apela ng AMCB ang pagtatakda sa HKD6,014 ng buwanang suweldo ng mga DMW kasabay ng pagkakaroon ng HKD3,000 na food allowance upang mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga domestic helpers.
“Worse, the anti-MDWs treatment has been expressed in the recent proposed amendments of Code of Practice (CoP) of Employment Agencies by Labour Department. The most unacceptable proposal by the Labour Department was their instruction to the employment agencies to make sure that MDWs cannot change employers for 2 years, because of “job hopping”,” mensahe ni Dolores Balladores – Spokesperson ng AMCB sa Radio Veritas.
Panawagan pa ng AMCB sa pamahalaan ng Hong Kong ang pagwawaksi sa nararanasang rasismo at diskriminasyon sa mga DMW dahil sa pagsusulong ng mga bata na naglalagay sa panganib sa kita at trabaho ng mga domestic workers.
Sa kasalukuyang umaabot sa HKD4,000 ang natatanggap na monthly salary ng mga DMW sa Hong Kong na katumbas ng 31-libong piso.
“Contract termination is common in all sectors including migrant domestic workers. Under international and national law, all workers in Hong Kong and around the world are given the right to change jobs for whatever reasons, especially when the work does not fit the expectation or if there is misconduct and violation of rights. But why are only migrant domestic workers in Hong Kong prohibited from changing employers or changing to another type of employment? This is clearly discrimination! Hong Kong government should stop penalizing MDWs and respect our right to change employers,” bahagi pa ng mensahe ng AMCB.
Sa 330-libong mga DMW sa bansa, aabot sa 190-libong ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na domestic helpers.
Una ng nakiisa si Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice chairman ng CBCP-Episcopal on Commission on Migrants and Itinerant People sa mga DMW sa Hong Kong upang mapalakas ang kanilang panawagan tungo sa pagtataas ng suweldo.