Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Narito Ako, Kaibigan Mo online program, muling ilulunsad ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 1,630 total views

Inaanyayahan ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mamamayan na subaybayan ang pagbabalik ng online program ng kumisyon na may titulong ‘Narito Ako, Kaibigan Mo’.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio -chairman ng kumisyon, napapanahon ang muling pagbabalik ng programa sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ngayong taon.

Pagbabahagi ng Obispo, sa pamamagitan din ng nasabing programa ay maibabahagi ng Simbahan ang pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat maging para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

“Bilang chairman ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ako po ay natutuwa dahil ito po ay nagre-relaunching tayo ng ganitong programa, ito po para sa akin ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Alam niyo po ngayong taong ito Jubilee 2025 ito ay palaging hinihikayat ng Pope Francis yung pag-asa natin mula sa Panginoon hindi po tayo malilinlang. At ito po ay nagbibigay ng pag-asa sa ating mga kapatid, lalong lalo na yung mga kapatid natin sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) at ako po ay natutuwa dahil kahit papaano meron tayong maiaambag.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.

Paliwanag ni Bishop Florencio, layunin rin ng nasabing online program ng komisyon na ibahagi ang pag-asa hindi lamang para sa mga PDLs kundi maging para sa kanilang mga pamilya at mga biktima.

Ibinahagi rin ng Obispo na bahagi ng layunin ng programa na maibahagi sa mas nakararami ang mga ginagawa ng prison ministry ng Simbahan at ipaalala sa bawat isa ang pananagutan sa kapwa maging sa mga PDLs na nakagawa ng pagkakasala.

“Dito sa ating munting programang ito ang pananaw ko po ay malaking pag-asa po ang maiiambag natin lalong lalo na sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at hindi lang po sa kanila yung ating mga kapatid din kung saan yung mga mahal sa buhay, yung kanilang dependents, yung kanilang families. Ito po ang programa na makapagbibigay sa atin ng siguro hindi lang ngayong taong 2025 ng Jubilee Year ngunit ito ay magbibigay siguro habang panahon na tayo ay nagbobroadcast…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Pinangungunahan ang talakayan ni Legazpi Bishop Joel Baylon vice chairman ng kumisyon kasama sina Bro. Gerry Bernabe – associate secretary ng prison ministry ng CBCP.
Kabilang sa pangunahing tinatalakay sa nasabing online program ang misyon at tungkuling ginagampanan ng komisyon upang kongkretong maipamalas ang ‘synodality act’ para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Unang ibinahagi ng Obispo na hindi matatawaran ang adbokasiya at pangarap ng prison ministry ng Simbahang Katolika para sa ikabubuti ng mga PDLs gayundin sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa labas ng bilangguan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Nasaan Napunta Ang Pera?

 31,191 total views

 31,191 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno sa pondong gagamitin sa operasyon ng pamahalaan at mga “baby” projects” ng mga ahensiya ng pamahalaan, mga kongresista at mga Senador. Sa kasalukuyan, mainit ang

Read More »

Tuloy Ang PUVMP

 42,130 total views

 42,130 total views Transport disaster… Kapanalig, ito ang kahihinatnan kapag tuluyang na-implement ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na pinalitan ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na inilunsad noong taong 2019. Kapanalig, ang PTMP ay dumaan sa maraming roadblock, dahil tinagurian itong “anti-poor” ng mga transport group.. sa implementasyon ng programa, 150,000 libong tsuper at

Read More »

Paghuhugas-kamay

 57,762 total views

 57,762 total views Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapakasakit ni Hesus, maaalala ninyong nagpakuha ng tubig si Poncio Pilato, ang gobernador ng Roma, at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo ng taong ito,” wika niya. Wala na raw siyang magagawa sa kagustuhan ng mga taong patawan ng parusang

Read More »

Diwa ng EDSA

 65,786 total views

 65,786 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 76 milyong Pilipino ang bumubuo sa tinatawag na voting population o mga nasa tamang edad na para makaboto. Sa bilang na ito, kulang-kulang 70 milyon ang registered voters. Pinakamarami ang mula sa mga batang henerasyon gaya ng mga Millennials at Generation Z; 63% o anim sa bawat sampung

Read More »

Hindi nakakatawa

 73,025 total views

 73,025 total views Mga Kapanalig, mababasa natin ang paalalang ito sa Tito 2:7-8: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo.” Hindi tumatatak ang mga salitang ito kay dating Pangulong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, dismayado sa dumaraming kaso ng child abandonement

 644 total views

 644 total views Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga kaso ng mga bagong silang na sanggol na basta iniiwan na lamang sa iba’t ibang mga lugar. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace bagamat hindi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Benedictine nun, nanawagan sa mga Pilipino na aktibong makilahok sa halalan sa Mayo

 2,147 total views

 2,147 total views Nanawagan si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB sa mamamayan partikular na sa mga kabataan na bumoto sa nalalapit na halalan sa darating na May 12, 2025. Ayon sa Madre, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng bawat isa upang makapaghalal ng mga opisyal ng bayan na tunay na makapagbabago at makapagpapabuti sa lipunan.

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mananampalataya, binalaan ng Diocese of Malolos laban sa mga pekeng Pari at Madre

 2,668 total views

 2,668 total views Nagbabala ang Diyosesis ng Malolos laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng mga pari ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang makapanglinlang ng mga mananampalataya. Ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng Facebook at Messenger account ng nagpapanggap na si Msgr. Andres Valera – kura paroko ng Santo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECFL, ipinagdarasal ang tuluyang paggaling ni Pope Francis

 2,781 total views

 2,781 total views Nagpaabot ng panalangin si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa para sa mabilis na paggaling mula sa karamdaman ng Kanyang Kabanalan Francisco. Ayon kay Bishop Pedregosa na kasaping Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kahanga-hangang ang ganap pagsasabuhay ni Pope Francis sa mga halimbawa ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Caritas Caceres, nanawagan ng PPCRV Volunteers

 3,552 total views

 3,552 total views Nananawagan ang Caritas Caceres sa Naga ng karagdagang mga PPCRV volunteers para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa darating na May 12, 2025. Bahagi ng panawagan ng social action arm ng arkidiyosesis ang pakikibahagi sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan bilang kasapi ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Protektahan ang karangalan at karapatang bomoto mula sa mga pulitiko.

 3,535 total views

 3,535 total views Ito ang bahagi ng panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa bawat mamamayan na maging matalino at responsableng botante sa nalalapit na 2025 Midterm Elections. Ayon sa Obispo, mahalaga ang paninindigan ng bawat isa upang mapangalagaan ang kanilang karapatan at dignidad bilang isang responsableng botante para sa kapakanan ng buong bayan. Pinaalalahanan ni

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP: Kalayaan Mula sa EDSA Revolution, may kaakibat na hamon at responsibilidad

 6,116 total views

 6,116 total views Binigyang-diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kalayaan at demokrasya na natamo ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986. Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng Pilipinas ngayon ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Day of Prayer for Pope Francis, idineklara ng Diocese of San Pablo

 5,250 total views

 5,250 total views Idineklara ng Diyosesis ng San Pablo ang ika-25 ng Pebrero, 2025 bilang Day of Prayer for Pope Francis. Batay sa tagubilin ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ay iaalay ng buong diyosesis ang lahat ng mga isasagawang banal na misa at banal na oras sa mga parokya at religious communities ngayong

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Palo, panalangin ang kagalingan ni Pope Francis

 5,574 total views

 5,574 total views Tiniyak ng Archdiocese of Palo sa Leyte ang patuloy na pananalangin para sa pagbuti ng kalagayan at kagalingan ng Kanyang Kabanalan Francisco. Ayon kay Palo Archbishop John Du, kabilang ang paggaling at kalusugan ng Santo Papa sa intensyon ng pananalangin at mga banal na misa na isinasagawa sa buong arkidiyosesis bilang pagpapamalas na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpahayag ng paghanga sa mga nakiisa sa “Walk for Life” 2025

 5,546 total views

 5,546 total views Nagpahayag ng paghanga si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa sa lahat ng mga nakibahagi sa naganap na Walk for Life 2025. Ayon kay Bishop Pedregosa na kasaping Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kahanga-hangang makita ang aktibong paninindigan ng bawat isa para sa kasagraduhan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Uphold the Spirit of EDSA People Power

 6,674 total views

 6,674 total views Inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang mga Pilipino na makibahagi sa patuloy na paninindigan sa diwa ng EDSA People Power Revolution. Ito ang paanyaya ng CMSP sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2025 upang muling paalabin ang diwa ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagsusulong ng mga paaralan sa diwan ng EDSA People Power, pinuri ng SCMP

 6,881 total views

 6,881 total views Pinuri ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at iba pang mga educational institutions sa bansa na nagpahayag ng paninindigan sa patuloy na pagsusulong ng diwa ng EDSA People Power Revolution. Ayon kay SCMP National Chairperson Kej Andres, mahalaga ang paninindigan ng mga institusyong

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Church Leaders Council for National Transformation, magra-rally sa EDSA People Power monument

 8,760 total views

 8,760 total views Nakatakdang magkaisa ang iba’t ibang denominasyon ng Simbahan para sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang EDSA ay isang patuloy na paalala sa pambihirang kapangyarihang tinataglay ng taumbayan na hindi dapat na isantabi at ipagsawalang bahala

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Total disaster ang Partylist System Act, total overhaul, iminungkahi ng Obispo

 8,437 total views

 8,437 total views Dismayado si 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa kinahinatnan ng Republic Act No. 7941 o Party-List System Act. Ito ang ibinahagi ng Obispo kaugnay sa pamamayagpag ng mga bogus partylist sa nalalapait na Midterm Elections sa darating na ika-12 ng Mayo, 2025. Ayon kay Bishop Bacani, maituturing na isang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Muling pag-alabin ang diwa ng EDSA People Power bloodless revolution-CEAP

 7,775 total views

 7,775 total views Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nananatiling buhay at napapanahon ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng pambansang asosasyon ng mga Katolikong paraalan sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero. “The Catholic Educational Association

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top