Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 9,525 total views

Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38

Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon: NAPASUBO. Siguro related ito sa kasabihan tungkol sa pag-aasawa: na “hindi ito parang kanin na isusubo at iluluwa kapag ikaw ay napaso.” Kumbaga sa sabaw na kumukulo, hipan man lang nang konti bago higupin kung ayaw mong malapnos.

Ang pumapasok sa isip ko na halimbawa sa Bibliya ay ang propetang Isaias. Sa chapter 6 ni Isaias, naroon ang kuwento. Nagpakita daw sa propeta ang Panginoon. Sinabi daw sa kanya: “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Para siyang excited na bata na nagtaas kaagad ng kamay at nagsabing, “Narito po ako. Ako na po.” Akala siguro niya laro o parlor games na may premyo.

Matapos na ipaliwanag sa kanya ang ipinagagawa sa kanya, wala siyang ibang masabi kundi “Hanggang kailan ho?” Ganito daw kasi ang magiging misyon niya: ang pangaralan ang bayang Israel, hindi upang magbago sila at magbalik-loob sa Diyos kundi upang maging lalong matigas ang mga puso nila at magpatuloy sa pagsuway sa Diyos. Kaya siguro niya tinatanong kung hanggang kailan. Kasi ano nga ba naman ang katuturan ng pangangaral niya kung hindi naman pala siya pakikinggan? Palagay ko, naisip-isip niya: “Mukhang napasubo yata ako a!” Hindi muna kasi siya nagtanong.
Kahit tipong masunurin ang paglalarawan sa karakter ni Mama Mary sa ating ebanghelyo, hindi rin naman siya basta na lang umoo. Nagtanong muna siya. Pero ang tanong niya ay hindi BAKIT AKO? kundi PAANO? Paano ito mapangyayari sa sitwasyon ko, gayong ako’y dalaga? Matapos maipaliwanag ng anghel na hindi naman siya kundi ang Espiritu Santo ang gagawa ng paraan at mangyari ito, noon pa lang siya sumagot at nagsabing, “Narito ako…Mangyari nawa sa akin ang sinabi mo.” (Lk 1:38)

Sa buhay natin, maraming beses din tayong maninimbang, mangingilatis, magtatanong muna bago magdesisyon. Hindi naman isang bulag na paglundag sa dilim ang hinihingi ng Diyos, kundi matalinong pagtuklas sa kanyang kanyang kalooban at partisipasyon sa kanyang gawain, sa kanyang ibig mangyari.

Minsan naman, katulad ni San Pedro, hindi pa man nagsisimula ang laban sumusuko na agad tayo. Di ba nasabi niya, “Huwag na lang ako, Panginoon, makasalanan akong tao.” (Lk 5:8) Minsan may tiwala nga tayo sa Diyos, tayo naman ang walang tiwala sa sarili. Nakakalimutan natin na ang Panginoong pinagtitiwalaan natin ay nagtitiwala din sa atin.

Ganyan din ang propetang si Jeremias. Nang tawagin daw siya ng Panginoon, ganito ang sagot niya, “Napakabata ko pa Panginoon, ni hindi ako marunong magsalita sa publiko.” (Jer 1:6-7) Pero sinaway daw siya ng Panginoon na nagsabing, “Huwag mong sabihing napakabata mo pa.” Hinaplos pa nga daw ng kamay ng Diyos ang bibig niya at sinabing “O, ayan. Ilalagay ko ang mga salita ko sa bibig mo… gagamitin mo sa paghugot at pagwasak, gayundin sa pagtatanim at pagtatayo.” (Jer 1:9-10)

Kahit wala pa sa katiting ang talino natin sa talino ng Diyos, kahit kaya na ngayon ng tao na lumikha ng artificial intelligence at gumawa ng mga robot na gagawa ng trabaho para sa atin, isang bagay ang sigurado ako: hindi tatawag at magsusugo kailanman ng mga robot ang Diyos. Mananatiling mas palagay ang loob niya sa pagpili ng mga taong tulad natin sa kabila ng ating mga kapalpakan at pagkukulang. Mga taong hindi niya pipilitin, mga taong kusang-loob na tutugon sa kanyang paanyaya at makikilahok sa patuloy na paglikha at pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kahalagahan ng fact-checking

 5,642 total views

 5,642 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 12,592 total views

 12,592 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 23,507 total views

 23,507 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 31,242 total views

 31,242 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 38,729 total views

 38,729 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 1,500 total views

 1,500 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 3,640 total views

 3,640 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 1,187 total views

 1,187 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 1,188 total views

 1,188 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 2,313 total views

 2,313 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 3,623 total views

 3,623 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 1,188 total views

 1,188 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 2,587 total views

 2,587 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 4,903 total views

 4,903 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 2,590 total views

 2,590 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 13,423 total views

 13,423 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LANDAS NG KAPAYAPAAN

 9,001 total views

 9,001 total views Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79 Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 3,913 total views

 3,913 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 4,315 total views

 4,315 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 6,781 total views

 6,781 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top