Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasaan ang tinig ng taumbayan sa usapang pangkapayapaan?

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Mga Kapanalig, isang magandang kaganapan ang napabalitang pagpapanumbalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front na kaalyado ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng New People’s Army. Matapos na suspindihin ang pag-uusap noong Pebrero dahil sa mga palitan ng akusasyong may mga paglabag sa kasunduan ng tigil putukan ang bawat isa, nagkasundo ang magkabilang panig na muling buksan ang peace talks at magtakda ang bawat panig ng unilateral ceasefire bago idaos ang pang-apat na “round of talks” sa Abril. Ibig sabihin, maaring asahan ng taumbayan ang deklarasyon ng panibagong tigil-putukan sa darating na mga araw.
Ang paggamit ng mapayapang paraan ng paglutas ng mga tunggalian ay isa sa mga mahahalagang turo ng ating Simbahan. Masama ang karahasan; hindi ito katanggap-tanggap bilang solusyon sa anumang suliranin; ito ay isang malaking kasinungalingan sapagkat nilalabag nito ang katotohanan ng dangal ng tao. Ang pakikipaglaban ng Partido Komunista ng Pilipinas sa pamahalaan ay tinuturing na pinakamatagal na communist insurgency sa buong mundo. Kung ang labanang ito ay mawawakasan sa pamamagitan ng pag-uusap, at hindi sa marahas na digmaang kikitil ng maraming buhay, ito ay magiging isang makasaysayang tagumpay ng sambayanang Pilipinong ipagbubunyi ng buong mundo at ng Simbahang Katolika.
Sa pagtahak ng landas na ito ng kapayapaan, mga Kapanalig, marami pang kailangang bunuin at pagkasunduan ang magkabilang panig. Maraming usapin ang masalimuot at mangangailangan ng ibayong kabukasan mula sa bawat panig upang mabago ang mga dating posisyon. Halimbawa, hinihiling ng pamahalaang itigil ng CPP-NPA-NDF ang pangongolekta ng “revolutionary taxes” bilang kondisyon sa pagtatakda nito ng tigil-putukan. Ngunit naninindigan ang CPP-NPA-NDF na sa ilang lugar sa kanayunan ay tumatayo sila bilang isang pulitikal na awtoridad na kapantay ng gobyerno, at dahil ditto, sila raw ay may karapatang mangolekta ng buwis at gamitin ito para sa mga serbisyo nila sa mga tao. Sa panig naman ng pamahalaan, ang di-umanong pamimilit at pananakot na ginagawa ng kilusan sa pangongolekta ng buwis ay hindi katanggap-tanggap.
Isa pang nagiging dahilan ng pagkabalam ng pagdedeklara ng tigil-putukan ay ang patuloy na opensiba ng parehong panig laban sa isa’t isa. Nagpapalitan ng akusasyon ang magkabilang panig na may mga ginagawa ang bawat isa na mga “hostile acts” o mga pagkilos na nakapagpapagalit. Sinasabi ng rebeldeng grupong tinuturing nito na “hostile act” ang pag-okupa ng mga pwersang militar sa mga eskwelehan at barangay hall sa ilang mga lugar sa kanayunan upang gamitin sila bilang base ng mga operasyong militar. Sa bahagi naman ng militar, bahagi raw ito ng kanilang tungkuling panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kanayunan.
Sa gitna ng palitan ng mga akusasyon, tila walang naririnig mula sa mga taong higit na apektado ng kaguluhan at karahasang dulot ng digmaan. Habang inaayos ang tigil-putukan upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawang panig, higit na kailangang marinig ang boses ng taumbayan. Ano ang masasabi ng taumbayan tungkol sa revolutionary taxes ng NPA? Ano rin ang masasabi nila tungkol sa pag-okupa ng militar sa mga paaralan at barangay hall? Ang mga tao ang dapat marinig at dapat pakinggan ng magkabilang-panig.
Sa paglawig ng usapang pangkapayapaan sa Abril, kung saan pag-uusapan ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya ipapaloob sa Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (o ang tinatawag na CASER), higit pang kakailanganin ang malakas na tinig ng taumbayan, ang mga organisadong batayang sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, mga katutubo, at mga maralitang tagalunsod. Kailangang maging bahagi ang tinig nila sa gaganaping mga pag-uusap sa CASER. Hindi man sila bahagi ng peace panels, kailangan silang magsalita upang isulong ang interes ng taumbayan at tiyaking mananatili tayo sa landas ng kapayapaan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,947 total views

 5,947 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,062 total views

 16,062 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 25,639 total views

 25,639 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,628 total views

 45,628 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,732 total views

 36,732 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,949 total views

 5,949 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,064 total views

 16,064 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 25,641 total views

 25,641 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,630 total views

 45,630 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 36,734 total views

 36,734 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,142 total views

 40,142 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,711 total views

 43,711 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,167 total views

 56,167 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,234 total views

 67,234 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,553 total views

 73,553 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,165 total views

 78,165 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,726 total views

 79,726 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,287 total views

 45,287 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,948 total views

 67,948 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,524 total views

 73,524 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top