Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasalaulang party-list system

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Mga Kapanalig, sa pagkakapanalo nitong nakaraang halalan ng mga party-list groups na wala namang malinaw na sektor na kinakatawan, walang matibay na track record sa adbokasiya, o kaya naman ay kinakatawan ng mga taong may kuwestyunableng kwalipikasyon, tunay ngang nasalaula na ang party-list system sa bansa.

Nang isulong noong 1995 ang Party-list System Act o Republic Act No. 7941, ang pangunahing layunin ng mga nagtulak nito ay mabigyan ng boses ang mga itinuturing na marginalized at  underrepresented sectors sa bansa, mga sektor na hindi nabibigyang-tinig ng mga inihahalal na congressman o congresswomen sa kani-kanilang distrito. Kabilang sa mga sektor na dapat kinakatawan sa party-list system ay ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang tagalungsod, katutubo, mga matatanda, may kapansanan, kababaihan, kabataan, mga beterano, OFWs, at mga propesyunal.

Sa mga nanalong party-list groups nitong nakaraang eleksyon, ilan sa kanila ang tunay na kumakatawan sa mga marginalized at underrepresented na sektor sa bansa?

Sinasabing nanalo ang isang party-list group dahil sa madrama nitong patalastas kung saan kasama ang isang dating broadcaster na nasangkot, kasama ang kanyang mga kapatid, sa umano’y katiwalian noong nasa gobyerno pa ang isa nilang kapatid. Nariyan din ang mga party-list groups na katunog ng isang sikat na teleserye at inendorso pa ng mismong artistang gumaganap sa nasabing palabas. Pati mga nagnenegosyo ng LPG at electric cooperatives, wagi rin sa party-list kahit pa karamihan sa kanila ay hindi naman mahihirap. Naging daan din ang party-list system upang maluklok sa puwesto ang mga political dynasties; bumuo sila ng party-list groups na kumakatawan umano sa mga sektor o mga magkakarehiyon katulad ng mga Bikolano, Waray, at Bisaya na hindi naman maituturing na mga sektor. Sapat din ang botong nakuha ng mga grupong binubuo ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte upang makakuha ng puwesto sa Mababang Kapulungan.

Sadyang madiskarte ang mga ganid sa kapangyarihan upang baluktutin nang mapakinabangan ang isang dapat sana ay magandang sistemang magbibigay ng boses sa mga nasa laylayan. At batay sa kinalabasan ng eleksyon, duda tayo kung talaga nga bang nauunawaan ng mga botante kung para saan ang party-list system. Sa pagkakapanalo ng mga grupong malinaw na hindi ang interes ng mga sektor ang isinusulong kundi ang interes ng kanilang pamilya o negosyo, sinayang nating mga botante ang pagkakataong patatagin ang ating lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses sa mga hindi pinakikinggan, ng tinig sa mga isinasantabi.

Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan o Catholic social teaching, ang paglahok sa pagbubuo ng isang pamayanan—at isang lipunan—ay isa sa mga pamamaraan upang makaambag tayo sa pagtatanggol sa dignidad ng tao, sa pagtataguyod sa katotohanan at kalayaan, at sa pagsusulong ng katarungan at pag-ibig. Kaakibat nito ang pagtiyak na ang mga balangkas ng ating lipunan—kasama ang pulitika at pamahalaan—ay gumagana para sa kabutihang panlahat o common good.

Kung ang ating pakikilahok sa pagtatatag ng ating pamayanan at lipunan (sa pamamagitan, halimbawa, ng pagboto sa halalan) ay hindi nakatuon sa layuning makikinabang ang lahat sa kaunlaran at walang naiiwan sa laylayan, tumutungo tayo sa maling direksyon at ipinapahamak natin ang isa’t isa.  “Participation is a duty to be fulfilled consciously by all, with responsibility and with a view to the common good.” Ang pakikilahok sa lipunan ay isang tungkuling tinutupad natin nang may responsibilidad at may pagtanaw sa kabutihan ng lahat.

Kaya mga Kapanalig, dahil nariyan na at nanalo ang mga party-list groups na may kuwestyonableng motibo, ang magagawa natin ngayon ay bantayan ang kanilang mga isusulong na mga batas kung tunay nga bang makabubuti ang mga ito sa mga sektor na dapat binibigyang-kapangyarihan ng nasalaula nang party-list system.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,646 total views

 30,646 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,302 total views

 45,302 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,417 total views

 55,417 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,994 total views

 64,994 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,983 total views

 84,983 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 30,647 total views

 30,647 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,303 total views

 45,303 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,418 total views

 55,418 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,995 total views

 64,995 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,984 total views

 84,984 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,669 total views

 48,669 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,694 total views

 43,694 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,263 total views

 47,263 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,718 total views

 59,718 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,785 total views

 70,785 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,104 total views

 77,104 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,715 total views

 81,715 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,275 total views

 83,275 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,836 total views

 48,836 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,479 total views

 69,479 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top