347 total views
Nagpadala na ng tulong ang Caritas Manila para sa mga nasunugan residente sa Port Area Tondo Manila.
Magugunitang nasa 1000 Pamilya ang nasunugan sa nasabing lugar at nanatili pansamantala sa gilid ng kalsada.
Tinatayang nasa 500 kabahayan ang nasunog na umabot sa ikatlong alarma.
Ilang oras matapos maapula ang sunog ay agad na nagsagawa ng assessment ang mga volunteers ng Caritas Manila para alamin ang pangangailangan at datos ng mga nasunugan.
2 trucks na naglalaman ng 500 manna bags, 40 thermos, 900 facemask at 1000 faceshield ang unang ipinadala ng social arm ng archdiocese of manila at inaasahan pa itong madagdagan ngayon araw.
Magugunitang ang Baseco Compound at Port Area sa Manila ang isa sa mga pinakamadalas magkaroon ng insidente ng sunog sa kamaynilaan.
Dito rin nagsasagawa ng marami programa ang Caritas Manila dahil sa mataas na bilang ng poverty incidence sa lugar.