31,451 total views
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council for Disability Affairs (NCDA) ang patuloy na pangunguna sa pagsusulong ng kapakanan at ikabubuti ng mga Persons With Disabilties (PWD).
Ipinangako ito sa ikalawang HUSAY Awards ng NCDA na kinikilala ang mga katangi-tanging PWD sa lipunan at paggunita sa International PWD Day tuwing ikatlong araw ng Disyembre.
Ayon kay NCDA OIC-Executive Director Dandy Victa, mananatiling matatag ang pagsuporta ng pamahalaan sa sektor ng PWD upang ipakita at mapalalim ang kaalaman na bagamat may mga kapansanan ay hindi ito balakid ang tagumpay sa buhay.
“Maraming magagawa ang ating mga kababayang may kapansanan, hindi sila naiiba sa mga walang kapansanan kailangan lang sila bigyan ng pagkakataon at oportunidad para makapag-participate, ang PWDs as far as WHO and World bank estimates, they’re part of the bigger market, hindi sila dapat isantabi,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Victa.
Ayon naman kay DSWD Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, sa tulong ng mga kaparehong gawain ay higit na nakikita ng publiko ang kakayahan ng mga PWD.
Higit ring nagpapasalamat si Villar sa mga dumalo higit para sa mga pinarangalan sa HUSAY Awards 2023.
“I hope the entire community will see because of them that Persons with Disabilities, have abilities that they need to look at and that because of their abilities, disabilities are sometimes not seen but because of the awardees today we see that they are competenent, intellegent, very able and we should see those abilities in them,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Villar.
Mula sa 90-nominadong PWD’s sa HUSAY Awards, napili at pinarangalan sina Rex Bernardo, Catherine Talana, Adeline Dumapong, Carolina Catacutan-Sam, Shane Marie Landicho na sa kabila ng kapansanan ay naging inspirasyon sa kapwa PWD.
Ngayong taon, itinalaga ng NCDA ang paggunita sa International PWD Day sa Temang ‘Ang Pagkakaisa at mga hakbang NG, PARA, at KAAKBAY ang mga may Kapansanan’.