Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

National Bible Month Homily

SHARE THE TRUTH

 441 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Archbishop of Manila

January 13, 2018

My dear Brothers and Sisters in Christ! We thank God who brought us together as one community, as one family, as one community of ministers of His words. We thank God also for good weather and the strength given to all of us to wake up, to walk, to take a jeepney or bus to be here. At the same time as we celebrate the National Bible Month we unite ourselves with our brothers and sisters all over the country, even all over the world who finds sustainance in their daily struggles in life from the word of God.

It is edifying to hear the witnessed of so many simple people who count the word of God as the source of their strength, their hope and their joy in the midst of all their struggles. Kaya nakiisa rin po tayo sa mga kapatid natin na patuloy na bumabangon sa Marawi sa iba pang bahagi ng mga naapektuhan ng mga karahasan. Gayundin ang mga kapatid natin na naapektuhan ng bagyo sunod-sunod…si Urduja, Vinta at Agaton samantalang tayo po ay nandito mapayapa, secure, air-condition. Fasting para sa mga kapatid nating nagdurusa.

Dapat ang mga meeting ng Biblical Apostolate wala talaga kasi ‘Man does not live on bread alone but on every word that comes from the mouth of God’. Dapat tayo ang nagpapakita niyan. Maganda po ang tema ng Biblical Month: The Word of God as the foundation of Religious Living and Leadership. Ito po ay medyo kaugnay ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’. Pero puwede naman po natin iyang palawakin kasi lahat naman tayo ay ‘consecrated’. Lahat ng binyagan, all the baptized are consecrated to God. Mayroon lamang na ginagawang formal at sabihin natin publicly recognized ang kanilang consecration sa iba’t ibang communities.

Pero sa totoo tayo lahat ay consecrated. At tayong lahat kahit papaano ay tinatawagan din sa leadership roles. Siyempre ang mga ordained mga pari, mga deacons mas malinaw ang kanilang pagiging lider sa simbahan. Pero kayong mga magulang lider din kayo kasi ang pamilya is what they call, church in the home- domestic church. Kaya kayo rin po ay leaders. Mga mag-asawa, you lead one another hopefully to Christ. Mga teachers, pati yung mga driver leader din sila dinadala tayo kung saan. Mga nagtitinda kayo po ay mga lider harinawa sa isang ekonomiya na may puso. Lahat ay mayroon ding panawagan na mag-lead mag-akay sa kapwa.

Atin din pong pinagninilayan how the word of God could be the foundation for us. Could be the animating force ang salita ng Diyos ang nagbibigay ng sigla sa ating buhay na consecrated to God. At buhay ng pag-akay sa kapwa- ang salita ng Diyos. Sa mga narinig po nating pagbasa, kapag sinabing word of God we say that kitang-kita that God speaks. Nagsasalita ang Diyos! Kasi paano pa magkakaroon ng salita ng Diyos, kung hindi naman nakapagsasalita ang Diyos! Kaya may salita ang Diyos dahil ang Diyos natin nagsasalita.
Sa unang pagbasa, ang Diyos nagsalita kay Samuel. Iyan si Saul ‘yan ang magiging hari. Ang Diyos na nagsasalita nagpapahiwatig kay Samuel na propeta. Sino ang kaniyang pinili, ang pinili ng Diyos para maging hari ng Israel. Kaya ‘yung leadership paghahari at pagiging guro, pagiging pari, pagiging tagagabay sa iba galing pala ‘yan sa Diyos na nagsasalita at pumipili. Pagdating naman po sa ebanghelyo, makita naman natin ang salita ng Diyos ay naging tao. Ang salita ng Diyos na simula’t simula pa ay kasama na ng Diyos at Diyos na totoo ang anak ng Diyos, Siya rin ang salita ng Diyos, si Hesus. Kay Hesus nakita natin bilang tao ang salita. Ang salita ay hindi lamang tunog. Ang salita ng Diyos ay hindi lamang tinig kundi persona na ngayon ay dumarating lumalapit sa katulad ni Levi na dapat ay layuan dahil makasalanan.

Pero sabi Niya, ni Hesus dumating ako hindi para naglilinis-linisan kundi para sa mga makasalanan. At ang alay ng salita ng Diyos ay buhay na kaaya-aya sa Diyos, pagbabagong buhay. Kaya pag sinabi nating ang salita ng Diyos ang pundasyon ng buhay na kaaya-aya at pag-akay o leadership hindi lamang po ito yung salita ng Diyos na nakasulat kundi si Hesus mismo. Nakikilala natin si Hesus through the Bible at sabi nga nila every part of the bible for us Christians speaks about Jesus. Makilala si Hesus through the written word, sabi nga ni St. Jerome, ignorance of the bible is ignorance of Christ. Paano natin makikilala kung hindi sa pamamagitan din ng salita na sumasaksi sa kaniya. Magkasama po lagi ‘yun. Pero ang goal ay hindi lamang para mag-memorize kundi ang goal ay makilala si Hesus, dahil ang pagkilala kay Hesus na salita ng Diyos ang tutulong din sa atin para magkaroon ng bagong buhay at matutunan natin paano umakay maging lider na katulad Niya.

Kaya iwasan natin na, ‘kasi nakaka-attend din po ako minsan ng mga diskusyon tungkol sa bibliya naku nagtatalo na,’ pero habang nagtatalo parang ang mga ugali hindi na katulad ni Hesus. ‘Kaya magmahalan kayo ha!.’ Memorized ang sinabi ni Hesus pero ang tono, hindi pa yata nito nakikilala si Hesus. Ayon kay San Mateo kapitolo 29, uy walang 29 ha! Ikaw ha nagpapa-impress impress ka. May mga ganyan-ganyan. E kung mamememorize okay, pero sa bandang huli hindi pangmemorization kundi makilala ang salita na nagkatawang tao na lumapit sa katulad ni Levi at katulad natin upang ibigay ang buhay na kaaya-aya, ang buhay na maghihilom sa atin. Ang buhay na magdadala sa sinasabi nating consecration to God and through leadership. Ako po ay may pakiusap at may ibabahagi rin.

Kasi po sa hindi inaasahang pagkakataon, ako po ay na-elect na president nung Catholic Biblical Federation yung international. Wala po ako doon noong na-elect ako. Sabi sa akin nung mga ano, ‘yan delikado ‘yung di uma-attend ng meeting nae-elect ka’. Kasi di naman ako dapat um-attend ng meeting, hindi naman ako delegate. Paano ako a-attend hindi naman ako delegate. Hindi ko nga alam kung ayon sa Salita ng Diyos ang ginawa nila sa akin. Tinatanggap na lang natin ng may pananampalataya. kasi ho, ako ay nahihiya dahil hindi naman ako bible scholar. Hindi katulad ng mga kaharap natin, nahihiya nga akong umupo dun sa gitna nila, sila ang dalubhasa sa bibliya. Ako naman ho ay katulad ninyo na nagsisikap na makilala si Hesus, aralin iyong kayang aralin sa salita ng Diyos, pagnilayan at maging liwanag ito sa ating tinatawag sa Archdiocese of Manila ‘yung unified formation program na sa liwanag ng salita ng Diyos mabasa natin ang sitwasyon.

Saan ba tayo galing, ano ang nangyayari at nasaan si Hesus diyan? Saan nangungusap si Hesus sa kanyang salita, sa Eukaristiya, tapos papano tayo dadalhin nyan sa buhay sa sambayanan, sa BEC; sa pamilya; sa archdiocese at misyon? Ang salita ng Diyos, katulad ni Hesus sa nararanasan ni Levi ang salita ng Diyos kapag dumating sa iyo, isusubo ka. Pero mula pa po Vatican II, mahigit 50 taon na po ‘yun marami sa inyo hindi pa pinapangangak. Vatican II po nagsabi na, na ang salita ng Diyos ang dapat na nag-a-animate- nagbibigay sigla at direksyon sa pastoral life of the church. Kung atin pong gagamitin ang ating termonolohiya sa archdiocese ang salita ng Diyos ang nagbibigay ng inspirasyon, direksyon sa ating pong iba’t ibang ministries at apostolate. At sa ibang banda ang Biblical Apostolate ay sana nanunuot sa lahat ng ministries. Kasi Dahil bawat ministry, bawat paglilingkod ay animated by the word of God. At iyan po ay inulit ni Pope Benedict doon naman sa ‘Verbum Domini’ ‘yung document after the Synod of Bishops on the Word of God kami po ni Bishop Pabillo ay nakadalo doon.

Sinabi na naman niya iyan na ang pastoral life natin, yung iba’t ibang ministries saan ba tayo kumukuha ng inspirasyon, buhay at direksyon baka hindi sa Salita ng Diyos? E, sabi niya sa Salita ng Diyos. Kaya po ang Biblical Apostolate, sana po ito ang isa sa pundasyon ng buong buhay ng simbahan kasi walang ginagawa sa simbahan lalu na sa area ng pastoral ministry at iba’t ibang pang ministry na hindi uugat at kukuha ng inspirasyon, ng direksyon, ng lakas kundi sa Salita ng Diyos. Parang nararamdaman na ninyo. Hindi lamang ang bigat, at iyong lawak pero iyong kahalagahan. Huwag po kayong matakot sana ma-excite kayo. Halimbawa meron tayong Restorative Justice Ministry, iyong Prison Ministry. Kapag tiningnan natin ang program ng prison ministry puwede nating tanungin ang programa ninyo ba ay inspired by the Word of God?

Ano ba ang sinasabi ng bibliya tungkol sa mga preso? Anong sinabi ng bibliya tungkol sa pakikitungo sa nakakulong? Family life, iyon bang ating family ministry ‘yan ba ay nakaugat sa kaniyang inspiration sa kaniyang mga programa sa Salita ng Diyos? Kapag nagpaplano ng fiesta, activity sa fiesta, yung bang mga activities na iyon inspired by the Word of God? Or mga ‘uy maganda ang ginawa sa kabilang barangay ganito ang ginawa nila gawin din natin, meron silang Ms. Gay e di tayo meron tayong Lola Gay. Aba ang mga activities ba sa piyesta kinokonsulta ba ang Salita ng Diyos o kung ano-ano na lang mga ideya? Halimbawa, pangangalaga sa ating kapaligiran. Akala ng iba landscaping lang ‘yan, hindi. Nakaugat ‘yan sa Salita ng Diyos. Kaya minsan hindi ako makasagot, ‘bakit ba pagkatapos ng fiesta ng prusisyon…ang dumi-dumi ng kapaligiran’.

‘Sabi nila ang mga katoliko ba, hindi marunong mag-alaga ng nilikha ng Diyos, e nasa bibliya ‘yan. Kayo ba ay nagiging bahagi ng ating ministry? Nakukuha ninyo po ba ang sinasabi ko? Kaya ang biblical apostolate, manunuod po kayo niyan. Ang ating pong tatanungin ang bawat ministry kung sila ay nakabase sa Salita ng Diyos, pati ang formation napakahalaga. Para ho ma-encourage kayo, magbibigay ako ng ilang karanasan. Naimbitahan po ako sa meeting ng bible association ng Middle East. Ang mga dumalo ay galing sa Iraq, Syria. Jerusalem, Jordan, Iran. Itong mga lugar na ngayon ay talagang gulong-gulo pero ito po ang mga biblical places. Iyong mga nababasa natin sa bibliya, sa kanila iyon. Yung isang obispo sabi niya sa akin ako ay ipinanganak sa Babylon. Yung isang obispo ang diocese ko iyong Nineve. Tapos, ito ang sinasabi ko ho, siyempre ang pinag-usapan noon ay yung refugee problem, itong conflicts.

Pero ang pag-uusap ay sa loob ng biblical apostolate, ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa migration, tungkol sa refugees? At tinanong ko nga po sila, kayo taga rito kayo …anong nangyayari sa inyo kapag nababasa ninyo sa bibliya iyong mga lugar ninyo? At ngayon nakikita ninyo ang mga lugar na iyon ay sira-sira na, gulong gulo na, papano ang Salita ng Diyos? Paano kayo nakikipag-usap sa Diyos? At papano nagpapahiwatig ang Salita ng Diyos sa inyo? Alam po ninyo, walang sumagot, nag-iiyakan lang. At nung kinse-minutos na walang sumasagot at puro luhaan, sinabi ng facilitator siguro tinatawagan tayo ng Salita ng Diyos sa panalangin, makinig ulit sa Panginoon na tumatangis kasama ang kaniyang bayan, in silence. So, pati po ‘yung ministry to refugees, ‘yung approach to migration inugat nila sa Salita ng Diyos. Of course may sinasabi ang United Nations, of course may sinasabi ‘yung iba-ibang komisyon at magaganda. Pero tayo ba ang Salita ng Diyos ba sineseryoso natin? Tapos po nun, naimbitahan po ako sa meeting ng Bible Federation sa Southeast Asia ginawa po sa Vietnam.

Nakakatuwa po, nagkuwento yung ilang pamilya…Vietnamese family gusto na nilang magpa-abort kasi apat na ang anak., eto na naman. Hirap na hirap sila. Ikinuwento nila kung papanong ang Salita ng Diyos, yung kanilang prayer using the Word of God led them to decide…hindi, hindi tayo mag-aabort, at tinawag nila ‘yung bata. Naku walong taon na ang bata, cute na cute. Salamat sa Salita ng Diyos that shaped the options, the decision of the family, yung batang ‘yon ay buhay. Pero, ngayon lang ako nakarinig ng ganoong witnessed na ang bibliya ang pinasalamatan nila sa desisyon na ginawa nila sa pamilya. Meron pong nagtestify naman, taga-Indonesia kasi siya ay…iilan silang silang katoliko sa kanilang neighborhood so papano siya makikisama sa non-Catholic, Muslim, traditional religions. Pero ang ginawa niya, sa bibliya rin siya kumuha ng inspirasyon. Si Hesus na pumuri sa the Cananite woman. Si Hesus na nakilala bilang anak ng Diyos ng isang Roman Centurion. Lahat iyan ikinuwento niya, ano ang mga bible texts na humubog sa kaniyang interreligious, interfaith dialogue, very inspiring.

Kita mo how the Word of God animates family ministry, interreligious dialogue, migration, refugees. Ito lang, pinakahuling nadaluhan ko po, last November sa Poland. Meeting naman ito ng executive council, pati na iyong European Bible Society sumama na po sa aming meeting. Doon naman po, meyo European ang ano nila, ang isang concern nila, how yung prayer of the Word of God ‘lectio divina’ at ang theology classes puwedeng pagsabayin? Kasi ang observation nila, minsan sa theology classes masyado lamang academic ang Word of God, hindi nadadasal, hindi nakakapag-bagong buhay. Nagiging academic…ang daming alam, lumalaki ang ulo. ang Salita ng Diyos hindi pampalaki ng ulo. Ang Salita ng Diyos para mabago ang puso. Nakakatuwa, so pati ‘yun seminary ministry. Seminary formation, ano ang papel ng Salita ng Diyos, papano mag-aanimate, magre-reorient? At pumayag naman ang Catholic Biblical Apostolate ng Europe, sinabi ko sa kanila puwede po ba kayong gumawa ng mga one-page lectio divina na pwedeng magamit sa Middle East nung mga pastoral workers na nagga-guide sa mga migrants, refugees.

Puwede ba kayong gumawa ng one-page lectio divina? Papaano ba umakay sa refugees, paano mag-akay sa homelss, papano mag-akay sa nawalan ng magulang, paano umakay sa mga nakakita ng karahasan? Kayo ang bible experts, sige gumawa kayo ng lectio divina guide that will be used by the ministers. At tinanggap naman nila. Kaya’t nagpadala na po kami ng mga bible at lectio divina guides doon po sa mga ilang nagtatrabaho, in war torn areas and areas of where you have a lot of refugees and forced migrants. Kaya ko ito inaano ito sa inyo, kasi nangyayari, nangyayari and we hope to participate in that. We hope that the church of the Philippines and here in the Archdiocese of Manila could take seriously what Vatican II has already told us.

The Word of God, animating, giving directions to the whole of pastoral life and the different aspect of pastoral ministry. That’s a poll order. But it is also the way to go for in the end the Word of God is the living person of Jesus. He should animate! He should animate our pastoral life, the living word, nobody else He is the consecrated one of God. He is the shepherd. He is the leader. The word made flesh who will animate our lives and our ministry. Let us pause and welcome this Grace and this mission and let us cling to Jesus, the Word of God who became one of us. A compassionate brother, teaching us the ways of consecration and leadership.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 41,619 total views

 41,619 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 52,694 total views

 52,694 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 59,027 total views

 59,027 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 63,641 total views

 63,641 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 65,202 total views

 65,202 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Marian Pulgo

25th Sacerdotal anniversary of Rev. Fr Gregory Gaston Rector, Cardinal Tagle Homily

 408 total views

 408 total views Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle 25th Sacerdotal anniversary of Rev. Fr Gregory Gaston Rector, Pontificio Colegio Filipino Our Lady of Mt. Carmel, New Manila Quezon City June 5, 2018 My dear Brothers and Sisters in Christ! First of all we give thanks to God for gathering us as one community, as

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top