276 total views
Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang Banal na Misa para sa pagdiriwang ng National Bible Sunday noong ika-26 ng Enero, 2020 sa Minor Basilica of the Immaculate Conception Manila Cathedral.
Sa pagninilay ni Cardinal Tagle binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagtuon sa panginoong Hesus na S’yang nagpaliwanag ng nilalaman ng bibliya at nagbukas sa mga mata ng mga mananampalataya.
Kasunod nito hinihimok din ang bawat isa na tulad ng mga simpleng tao na tinawag bilang mga apostol ay maging mga tagapagpahayag din tayo ng salita ng Diyos.
Sa huli, kasama ng paghahayag ay ang hamon na isabuhay ito upang masalamin sa mananampalataya ang buhay ng Panginoon.
“So these are three reminders; We follow Jesus who preach the word of God, who was the fulfilment of the word of God and we ask Jesus to open our eyes about the word of God because He is the word of God. Secondly we are all called to work with Jesus after listening to Him, we go and proclaim the word of God and thirdly, it is not just listening and speaking about the word of God, living, fulfilling the word of God in our lives.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Samantala kasabay ng isinagawang banal na misa para sa National Bible Sunday ay ang kaunaunahang pagkakataon ng pagsasagawa ng Sunday of the Word of God na itinakda ni Pope Francis tuwing ikatlong linggo sa karaniwang panahon.
Nakapaloob din sa isinagawang banal na misa ang pag gagawad ng pagkilala sa 16 na kabataang nakapagtapos ng youth bible team program ng Archdiocesan Commission on Youth and Ministry of Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila.