408 total views
Ilulunsad ng NASSA/Caritas Philippines ang Nationwide Alay Kapwa Solidarity Appeal para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Patuloy ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pakikipag-ugnayan sa mga diyosesis na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Nakasaad sa Situation Report ang pagpunta ng apat na grupong magsasagawa ng rapid assessment sa mga lugar ng Cebu, Bohol, Katimugang Leyte at Surigao Del Norte katuwang ang mga Diocesan Social Action Centers (DSAC).
“Rapid Assessment Team lead by the Humanitarian Office is set to be deployed in the provinces of Surigao Del Norte, Southern Leyte, Bohol and Cebu. Assessment teams shall be composed of 4 groups supported by the DSAC or its Relief and Rehabilitation Unit and jointly with Catholic Relief Services in the area of Surigao.” ayon sa Caritas Philippines
Inihayag ng Caritas Philippines na pangunahing suliranin ang linya ng kuryente at komunikasyon sa Arkidiyosesis ng Cebu kasama ang mga Diyosesis ng Butuan, Capiz, Palo, Maasin, Borongan, Talibon, Tagbiliran, San Carlos at Kabankalan.
Ilan pa sa mga problemang kinakaharap ng mga naapektuhang Diyosesis at Arkidiyosesis ay ang suplay ng pagkain at malinis na mapagkukunan ng inuming tubig higit na sa mga evacuees.
Pinangangambahan rin ng Caritas Philippines ang sitwasyon ng mamamayan sa Diyosesis ng Talibon na matinding sinalanta ng bagyo.
Patuloy naman ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa mga indibiwal na nagpapadala ng donasyon at pakikiisa ng ibat-ibang grupo at Pribadong institusyon sa pag-tugon ng Social Arm sa mga nasalanta ng bagyo.