252 total views
Ipinaalala ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang anumang klase ng addiction ay may kaugnayan sa esperitwalidad ng tao.
Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang malaking dahilan ng Simbahan kung kaya’t binuo ang Sanlakbay program para sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug dependents kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Ipinaliwanag ng Kardinal na bahagi ng programa ng Simbahan ang restorative justice na hindi lamang ang nagkamali ang mapigilan kundi ang pangkabuuang kasamaan.
“Tradisyon ng simbahan yan ang ating restorative justice ministry ay para matulungan hindi lamang ang nagkamali kundi ang sambayanan na mapigilan na ang pagkalat ng kasamaan, at to discouraged ang patuloy na pagkalat ng kasamaan. Subalit ito ay ginagawa sa pamamagitan ng restoration of justice. At kapag ang katarungan ay naipanumbalik umuuwi ito sa healing not to destruction. Kaya restorative, buuin muli ang nagkasala katulad noong publikano sa ebanghelyo, buuin muli ang pamilya at ang lipunan thru justice, thru humility and by giving the repentant sinner hope, yan po ay tulong-tulong na ginagawa,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Pahayag pa ng Kardinal, ang pagkakalulong sa masamang bisyo ay itinuturing na spiritual concern ng simbahan dahil nababago na nito ang kinikilalang diyos ng isang tao.
“Sabi nga po ang pagkalulong sa bisyo lalu na kung ito ay tungkol sa mga pinagbabawal na droga na bagamat ito ay talagang criminal act para po sa mata ng simbahan ito rin ang isang spiritual concern. Kapag ang isang tao ay nalulong sa addiction at ang addiction po ay hindi lamang sa droga, yung iba addicted sa sugal, yung iba addicted sa pornography,yung iba addicted sa sex, yung iba addicted sa cellphone, yung iba addicted na sa telenovela parang mamamatay kapag hindi nakapanuod. Yung iba addicted na sa pambobola, yung iba addicted na sa panloloko ng kapwa, yung iba addicted na sa pagsisinungaling, yung iba addicted na sa panloloko, napakaraming addiction. At panong nangyayari ang addiction? Kapag napamayanihan na ng isang kadiliman ang puso at yung kadiliman na yun ay nagiging Panginoon,” paglilinaw ng Kardinal.
Tulad ng drug addiction, nilinaw ng Kardinal na hindi dapat husgahan ang mga nalulong sa addiction kundi tulungan na makablik sa diyos at sa komunidad.
Iginiit ni Cardinal Tagle na isinisulong ng Sanlakbay program ang pagkakaroon ng healing at justice hindi paghihigante.
“Mula sa simbahan itong spiritual warfare within the heart of an addicted person at yung relational dimension sa family, sa community. Sa pagtutulungan po nating lahat harinawa ay makatulong upang ang nagkamali ay ma-restore, maging matuwid sa mata ng Diyos at ng lipunan at ang pamilyang mga nasugatan naging biktima ay maghilom din dahil may tunay na katarungan. We seek healing, justice not revenge, only justice heals, revenge wounds all the more,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Samantala mula sa datus ng Philippine National Police o PNP, mahigit sa 700 libo ang sumuko sa otoridad na nalulong sa illegal na droga at mahigit 3 libo na ang napatay sa drug buy bust operation.