104,836 total views
Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions.
Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Indegenous Peoples na si Bontoc-Lagawa Bishop Valentin Dimoc ang kahalagahan ng pagbibigay ng “ancestral domain titles” sa mga katutubo upang hindi sila mapanganib na mapaalis sa minanang ninunong lupa at hindi ito maagaw ng mga mining companies at maisasalim sa land conversion.
Ayon sa Obispo, importante sa mahigit-kumulang na 15-milyong katutubo sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa mga likas na yaman at matiyak na sila’y makakatanggap ng tamang bahagi ng benepisyo mula sa paggamit ng kanilang mga yaman… Sa CADT, mapapangalagaan ang mga katutubo laban sa mga malalaking kumpanyang nagdudulot ng pang-aabuso at labis na pinsala sa mga pamayanan at lupaing ninuno.
Ikinalulungkot ng Obispo na simulang maibatas at maimplementa ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA law) noong 1997 ay mas mababa pa sa 50-porsyento ang natapos ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) pagdating sa pagbibigay ng opisyal na titulo sa mga lupaing ninuno.
Ito ang dahilan kaya’t maraming katutubong pamayanan ang nanganganib na mawala ang mga lupain at pasukin ng mga malalaking korporasyon nang walang kaukulang pahintulot… Maraming tribe communities na ang endangered… Bukod ditto, bigo rin ang NCIP na maipagtanggol sa korte ang mga IP sa kanilang kaso laban sa mga land developer at mining companies na gumigipit at sapilitang nang-aangkin ng kanilang lupang ninuno.
Sa Encyclical letter na Laudato Si ni Pope Francis, binigyan diin ang paalala ni St.Francis of Assisi “that our common home home is like a sister with we share our life and beautiful mother who open her to embrace us. Praise be to you, my lord, through our Sister, mother Earth, who sustain and govern us, and who produces various fruit with colored flower and herbs”.
Nakasaad naman sa Gen.2:7, “our bodies are made up of elements, we breathe her air and we receive life and refreshment from her”.
Panawagan ng simbahan sa mga mambabatas lalu na sa NCIP na iprayoridad ang “delineation” ng ancestral domain ng mga IP upang magkaroon ng CADT at mailigtas sila sa mga panganib na dulot ng tinatawag na “development” o artificial development na ang mamamayan lamang ang nakikinabang sa mga lupang ninuno.
Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan ang Pilipinas maging ang buong mundo sa climate emergency..bigyan po natin ng suporta, tulong at boses ang mga IP…sila ang ating environmental protector, samahan natin silang maging environmental warriors upang mailigtas ang ating iisang tahanan sa pagkawasak.
Sumainyo ang Katotohanan.