1,269 total views
Kakailangan ng pamahalaan ang mga Private-Public-Partnership (PPP) programs para ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang mensahe ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa kaniyang talumpati sa Philippine Economic briefing na idinaos sa Dubai.
Ayon sa kalihim, sa tulong ng mga PPP program ay magkakaroon ng sapat na pakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga Build-Better-More Projects na bahagi ng Philippine Development Plan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layuning ding mapaigting sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao .
“As of September 1, 104 profitable projects worth about 45 billion US dollars are in the pipeline. As you can see, most of these are in the transport, road, and property development sectors. Other PPP opportunities in social infrastructure include health, solid waste management, and water and sanitation,” ayon sa bahagi ng mensahe ni Balisacan.
Tiniyak ng kalihim ang pagsusulong ng kasalukuyang administrasyon ng Philippine Energy Plan 2020-2040 kung saan isusulong ang pagkakaroon ng sustainable energy sa bansa.
Kasabay ito ng patuloy na panghihimok sa ibat-ibang bansa na mag-invest sa Pilipinas na magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
“The Amendment to the country’s Implementing Rules and Regulations of the Renewable Energy Act of 2008 opened up our renewable resources to foreign capital, while the proposed amendments to the Electric Power Industry Reform Act will ensure greater market competition, resulting in higher-quality energy servicing for consumers and producers,” ayon sa pa sa mensahe ni Balisacan.
Nakasaad naman sa katuruang panlipunan ng simbahan na hindi masama ang hangarin sa pag-unlad higit na kung isasama ang mga pinakamahihirap sa lipunan tungo sa nag-iisang hangarin ng pag-asenso.