2,152 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagsusulong ng mga inisyatibong magpapalakas sa sektor ng mga manggagawa sa bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ito ng pananatiling mababa ng unemployment rate noong Hulyo na umabot lamang sa 4.8% na bahagyang mas mataas sa 4.5% noong Hunyo.
Inaasahan ng kalihim na matutugunan ang mababang unemployment sa pamamagitan ng Build-Better-More Projects na inaasahang magpapataas sa demand ng trabaho sa mga manggagawa.
“The entire government remains committed to improving the business climate in the country to attract more investments, which will lead to the creation of high-quality and high-paying jobs.” mensahe ni Secretary Balisacan na ipinadala sa Radio Veritas.
Tiwala din ang kalihim na matutuloy ang mga isinusulong na skills development program ng pamahalaan.
“We will focus on expanding upskilling and retooling programs to improve the country’s labor market performance, these are critical to assisting members of the workforce, particularly those in vulnerable employment, to improve their employability and allowing them to move across industries and occupations.” ayon pa sa mensage ni Balisacan.
Patuloy naman ang panawagan ng simbahan sa pamahalaan na ibigay ang isinusulong ng IBON foundation na 1,178-pesos na daily family living wage.
Iginiit din ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pamahalaan na ipatupad ang iisang national minimum wage sa buong bansa upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng inflation rate.