2,775 total views
Pansamantalang pamamahalaan ni House Speaker Martin Romualdez ang 3rd Legislative District ng Negros Oriental dahil sa suspensyon ni Representative Arnolfo Teves.
Ito ay sa bisa ng House of Representative Memorandum circular 19-017 na may petsang March 23.
“In the interest of the people of the 3rd District of Negros Oriental, the undersigned shall act as the Legislative Caretaker of the 3rd District of Negros Oriental for the period 23 March 2023 to 22 May 2023. This order takes effect immediately,” ayon sa memorandum order na nilagdaan ni Romualdez.
Ayon sa kautusan, si Romualdez ang magiging care taker sa loob ng 60-araw, kasabay ng bilang ng mga araw na ipinataw na suspensyon kay Teves dahil sa misconduct.
Si Teves na itinuturong may kinalaman sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo-at nabigong bumalik ng bansa sa kabila ng pagpaso ng travel authority.
Ang suspendidong mambabatas ay huling naiulat na nasa Estados Unidos para magpagamot na tumangging bumalik sa bansa dahil sa sinasabing banta sa kanyang buhay.
Karaniwan nang ang liderato ng kamara ang nagtatalaga ng pansamantalang tagapamahala sa mga distritong walang nangangasiwa dulot ng iba’t ibang kadahilan.
Kabilang din sa sinasaklaw ang kapangyarihan sa pagtatalaga sa gabinete, pagsususpinde at pagpapatalsik ng miyembro.
Sa kasalukuyan ay naka-Lenten break ang mga miyembro ng Kamara hanggang sa May 7.