11,304 total views
agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan.
Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging aktibo si Cardinal-elect David sa pakikipagpagtulungan sa komisyon upang isulong at bigyang halaga ang kasaysayan ng bansa.
Ibinahagi ng NHCP na kabilang sa partikular na naging ugnayan at pagtutulungan ng komisyon at ni Cardinal-elect David ay ang mga nakalipas na pagdideklara ng National Historical Commission of the Philippines sa ilang mga makasaysayang Simbahan sa Diyosesis ng Kalookan kabilang na ang “Simbahan ng Navotas” noong December 10, 2021 at ang “Katedral ng Kalookan” noong March 31, 2022.
“We greet the Most Reverend Pablo Virgilio S. David, D.D. for his upcoming elevation to the rank of cardinal in the Roman Catholic Church. Bishop David currently serves the Roman Catholic Diocese of Kalookan and is the President of the Catholic Bishops Conference of the Philippines. In these capacities, he actively collaborated with the government’s cultural agencies. He warmly welcomed the NHCP when it unveiled the historical markers “Simbahan ng Navotas” on 10 December 2021 and “Katedral ng Kalookan” on 31 March 2022.” bahagi ng pagbati ng NHCP.
Kinilala rin ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang tuwinang pagbabahagi ni Cardinal-elect David sa kanyang mga pagninilay at homiliya ng kahalagahan ng pangangalaga sa kasaysayan at pagpapatuloy sa mga pamana ng naunang henerasyon sa kasalukuyang panahon.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng pananabik ang NHCP upang patuloy na makipagtulungan at makipag-ugnayan kay Cardinal-elect David para sa patuloy na pagpapanatili at pagtataguyod ng kaalaman at kamalayan sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.
“He also frequently integrated history and heritage in his homilies. We look forward to working with Cardinal-designate David to preserve and promote historical knowledge and consciousness both in our country and abroad.” dagdag pa ng NHCP.(