647 total views
Tiniyak ng Diocese of Kidapawan ang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakikiisa ang buong Simbahan sa panawagan ng local IATF sa lungsod kaya naman naghanda na rin ang diyosesis ng ilang mga pagbabago bilang tugon sa muling pagpapatupad ng General Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa COVID-19.
Pagbabagi ng Obispo, kabilang sa mga pinaghahandaan ng diyosesis ang ay ‘No Sunday Movement’ na ipatutupad ng lokal na pamahalaan kung saan ililipat ng diyosesis ang pampublikong misa tuwing araw ng Linggo sa araw ng Sabado o kaya naman ay depende sa mapagkakasunduan sa bawat parokya.
“Our province is GCQ [General Community Quarantine] beginning May 30, and No Sunday Movement. [Ang] Simbahan nakikiisa sa panawagan ng IATF kaya Sunday masses for the people transferred to Saturday, preferably after 12nn. Parishes may schedule according to their needs.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Paliwanag ni Bishop Bagaforo, bagamat tuloy ang pagsasagawa ng mga banal na misa kada araw sa mga parokya ay mahigpit namang ilalaan ang umaga ng araw ng Sabado para sa mga kasal, libing at binyag.
Binigyang diin rin ng Obispo na lilimitahan ang sunday masses isa mga naglilingkod sa Simbahan na maaring daluhan ng mga mananamapalataya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa online livestreaming ng mga parokya.
“Saturday morning reserved for weddings, funerals, and baptisms. Sunday masses are still to be celebrated in the main church with very limited attendance.. like sacristans, lectors, etc. Daily masses in church and at Gkk continue.”
Dagdag pa ni Bishop Bagaforo. Una nang umapela ng kooperasyon si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit sa lungsod kung saan inaasahan ang muling pagbabalik ng General Community Quarantine.
Batay sa tala nasa mahigit 100 na ang kasalukuyang active COVID-19 cases sa Kidapawan City kung saan 70-porsyento sa mga ito ang symptomatic habang 30-porsyento naman ang asymptomatic.
Ayon sa lokal na pamahalaan karamihan sa mga nahawaan ng virus ay mga magkakamag-anak na bunga ng iba’t ibang uri ng pagtitipon.
Dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 muling binuksan ang City Gymnasium sa lungsod upang magsilbing pansamantalang treatment facility ng mga mayroong mild cases matapos na mapuno ang mga ospital sa lungsod.