168 total views
Pinag-aaralan pa lamang ng Department of Energy ang mga nuclear policy kaugnay ng bagong development sa teknolohiya sa usapin ng pagpapatatag ng supply ng kuryente sa bansa at hindi ang pagbubukas na ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ito ang tugon ni Energy spokesman Felix William Fuentebella kaugnay sa ulat na muling bubuksan ang NBPP sa pag-sang-ayon na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
“Tuloy po ang ating pag-aaral hindi lamang sa Bataan Nuclear Power Plant kundi sa nuclear policy in the light of new development sa technology… what are the adjustments na dapat gawin ng pamahalaan in case of self-institutional arrangement and ano ang gagawin natin kung magkakaroon ng mga planta kasama na ang NBPP? Hindi pa naman siya final na mayroon tayong papatakbuhin na planta gaya ng NBPP,” ayon kay Fuentebella sa panayam ng Radyo Veritas.
Pinasinungalingan naman ng Energy spokesman na naglaan na ng budget ang Administrasyong Duterte para sa operasyon ng NBPP sa halip aniya, pinag-aaralan pa ang financial model sa gagamiting latest technology sa nuclear,“Wala pa itong budget, pero working figure ito at pag-aaralan kung ano ang financial model na susundin kasi di siya ganun kadetalyado pa, pero mayroon may mga figure na in-explore ngayon, kung ano ang susundin sa financial model na pede tingnan, private or government at kung sa technology side ano yung latest technology na pwede gamitin and merun din sa institutional side ano ang mga arrangement like how do we ensure safety, transparency, papaano makakalahok ang taong bayan sa debate sa policy para kung may dedesisyunan madedesisyunan na ‘to,” pahayag pa ni Funetebella.
Tiniyak naman ni Fuentebella na may sapat na supply ng kuryente ngayon sa bansa subalit tinitingnan pa rin nila ang affordability and reliability nito lalo na at madalas pa rin ang blackout at brownout.
“Ang sitwasyon natin sapat ang supply kaya lamang may kuwestiyon tayo tungkol sa affordability, sa presyo. Tinitingnan din natin ang reliability like maaasahan ba yung power? Kasi magkakaroon pa rin tayo ng retained power interruption or brownout at para magkaroon tayo ng comprehensive strategy kung ano gagawin natin sa energy policy natin. Iniisa-isa natin ang mga source, pricing ang techology para magka-come up tayo ng national petition on the mater. Mandato kasi ng (DoE) is to ensure the affordability, we have quality reliable and i-secure ang supply, so kailangan na pag-nag-report kami sa Kongreso, sa Pangulo at sa taong-bayan hinihingan kami ng detalye kaya need na magbuo ng steering committee ang under DoE, kasama ang DOST para makumpleto ang pag-aaral na ito at magkaroon tayo ng national decision on the matter,” ayon pa sa Energy spokesman.
Samantala, muling nagpahayag ng pagtutol ang grupong Nuclear Free Bataan Movement sa ulat na muling buhayin ang nasabing planta.
“1970’s nag-ooppose na kami ayaw na namin ang pagtatayo ng BNPP sa maraming kadahilanan. Unang-una, itong pagiging delikado ng puwesto ayon na rin sa mga report ang BNPP ay nakaupo sa offline ng isang fault line, malapit sa isang volcano na sinasabing maaaring pumutok, 3rd, ang pagtatayo ng BNPP ay may defects ng mga 40,000 defects 4th, panahon ng Martial Law dapat sana P100 milyon lamang ang gastos pero umabot ng bilyon dollars dahil sa corruption, 5th, sa usapin ng waste very toxic ito, ang Japan hindi nga nila kinaya ang aksidente nito sa Fukushima, hanggang ngayon problema pa rin, at kung magkaroon ng aksidente hindi lamang yung oras na yun ang epekto kundi generation to generation,” ayon kay Derec Abe, coordinator ng grupo sa panayam ng Radyo Veritas.
Batay sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa BNPP.
Una ng tinututulan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant dahil sa malaking kapahamakan ang idudulot nito una na sa kalusugan ng pamayanan at pangalawa ay sa kalagayan ng kalikasan lalo’t tumitindi ang epekto ng climate change sa buong mundo lalo na sa bansa.