Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nutrisyon para sa malusog na populasyon

SHARE THE TRUTH

 534 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang resulta ng isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (o UNICEF) na nagpapakitang ang mga batang Pinoy ay mas kumakain ng matatamis, maaalat, at matatabang pagkain sa halip na mga masusustansyang pagkain.  

Ayon sa report na pinamagatang Children’s lived experience of the food environment, nakaaapekto ang kapaligiran ng mga bata sa uri ng pagkaing pinipili nila. Isa lamang sa apat na batang Pinoy edad 13 hanggang 17 ang kumakain ng gulay nang tatlong beses sa isang araw. Samantala, mahigit isa sa bawat apat naman ang umiinom ng softdrinks araw-araw. Ang pagkain ng hindi masusustansyang pagkain ay sanhi ng tatlong problemang pangkalusugan: ang malnutrition (partikular ang kakulangan ng nutrisyon o undernutrition), micronutrient deficiencies, at pagiging overweight. 

Samantala, sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (o SWS) na isinagawa noong Disyembre 2022, kakaunti lamang ang kumakain ng home-produced o galing mula sa mga tanim o alagang hayop sa kanilang bakuran. Pitong porsyento ng pamilyang Pilipino ang home-produced ang kanilang pagkain. Gaya ng inaasahan, matatagpuan sila sa kanayunan o rural areas. Sa parehong survey ng SWS, lumalabas na isa sa bawat 10 pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom dahil wala silang makain. Ito ang tinatawag na involuntary hunger. 

Bagamat hindi nagdudulot ng kagutuman ang hindi pagtatanim o hindi pag-aalaga ng hayop para sa sariling pagkain, nakita rin sa survey ng SWS na mas maraming pamilyang hindi nakaranas ng gutom ang nagsabing sarili nilang tanim o alaga ang pinanggalingan ng kanilang pagkain sa mesa. Ibig sabihin, maaaring malabanan ang gutom sa pamamagitan ng pag-home produce ng mga pagkain, lalo na sa mga lugar na maraming nagugutom. Kailangan nila ng suporta upang makapagtanim o makapag-alaga ng sarili nilang hayop. 

Inilunsad ng pamahalaan nitong nakaraang buwan ang Philippine Multisectoral Nutrition Project upang labanan ang malnutrisyon. Mayroon itong sampung bilyong pisong pondo upang magpatupad ng mga programang pangkalusugan sa 300 na munisipalidad. Sa paglulunsad ng programa, sinabi ni Pangulong BBM na kinikilala ng kanyang administrasyon ang pangmatagalang epekto ng malnutrisyon ng mga bata sa pag-unlad ng ating bansa. Aniya, kailangang lutasin ang malnutrisyon upang malabanan ang negatibong epekto nito sa pagkatuto at pagiging produktibo ng kabataang Pilipino sa hinaharap.  

Napapanahon ang hakbang na ito ng pamahalaan upang palakasin ang nararapat na pagtugon sa kakulangan ng nutrisyon. Gaya ng sinabi ng UNICEF, paglabag sa karapatang pambata ang malnutrisyon dahil mayroon itong pangmatagalang epekto sa kalusugan at pag-unlad ng bawat bata. At sa kabuuan, may epekto ito sa kanyang magiging ambag sa lipunang kanyang kinabibilangan. Mahalagang bigyang-diing hindi lamang ito pamumuhunan sa nutrisyon ng bawat bata; pamumuhunan din ito sa pag-unlad ng populasyon na siyang pundasyon ng pag-unlad ng ating bansa.  

Naniniwala ang ating Santa Iglesia na mahalaga ang pagkamit natin ng tamang nutrisyon. Nakalulungkot na hindi ito nangyayari sa maraming lugar. Sa mensahe ni Pope Francis sa World Food Day noong 2019, ipinalala niyang ang hindi tamang nutrisyon ay hindi lamang bunga ng mga bagay na sobra o excess kundi bunga rin ng mga kakulangan o deficiencies. Ang mga kakulangang ito ay bunga ng mga hindi patas na access sa pagkain lalo na ng mga kapatid nating dukha. 

Mga Kapanalig, biniyayaan tayo ng Diyos ng mga halaman at hayop upang tayo ay mabuhay. Kaya naman, maging maingat dapat tayo sa pagkonsumo nang mapakinabangan natin ang nutrisyon mula sa mga prutas, gulay, at isda. Dapat din tayong maging mabuting ehemplo sa mga bata, kahit pa sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Sa ganitong paraan, wika nga sa 1 Corinto 10:31, nagagawa nating gawin ang lahat—pati sa pagkain at pag-inom—sa ikararangal ng Diyos.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,661 total views

 35,661 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,317 total views

 50,317 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,432 total views

 60,432 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 70,009 total views

 70,009 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,998 total views

 89,998 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,662 total views

 35,662 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,312 total views

 3,312 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,318 total views

 50,318 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,433 total views

 60,433 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 70,010 total views

 70,010 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,999 total views

 89,999 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,094 total views

 49,094 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,119 total views

 44,119 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,688 total views

 47,688 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,143 total views

 60,143 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,210 total views

 71,210 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,529 total views

 77,529 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,139 total views

 82,139 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,699 total views

 83,699 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,260 total views

 49,260 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top