256 total views
Hangarin ng National Youth Day (NYD) na ginaganap sa Arcdiocese ng Zamboanga na magbubunga ng maraming misyonerong kabataan bilang ‘charity army’ ng simbahan.
Ito dasal ni Father Cunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth na kasalukuyang nasa Zamboanga City para sa pagtitipon na magtatapos sa November 10,2017.
“We are really in want to increase the numbers of taking the role of becoming missionaries, becoming ready to be sent for a mission. Pero ang nakakatuwa kasi may mga communities tayo where many young people are members are known to be opening themselves to be sent to a mission. So meron namang mga kabataan na naipapadala sa misyon. May mga tumutugon naman sa challenge to be prepared as missionaries,” pahayag ni Father Garganta sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon kay Father Garganta, mahigit sa 2,000 kabataan ang dumalo sa N-Y-D mula sa may 86 na diyosesis sa buong bansa.
“Yun lang kailangan nating mapadami ang bilang na iyon. And we hope that this NYD will be an opportunity to open up the mind and hearts of our young people to take on the role of becoming missionaries, to offer themselves for the work of the mission especially for the new evangelization. Becoming priest, religious and becoming sisters,” dagdag pa ng pari.
Sa isang artikulo ng romereports.com, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga katoliko sa buong mundo na umaabot sa 1.3 bilyon ay 16,000 lamang ang mga lay missionaries at 12,000 ang mga madre.
Ayon sa ulat, ang bilang ay mababa para pangasiwaan ang higit sa 200,000 educational centers at 118,000 mga orphanage na ipinatayo ng Simbahang Katolika.