206 total views
Humihingi ng tulong at panalangin ang Prelatura ng Batanes para sa pagbangon ng mga naapektuhan ng dalawang lindol na nagdulot ng pinsala sa lalawigan lalo na sa bayan ng Itbayat.
Ayon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, sa kasalukuyan ay hirap pa rin ang komunidad lalu na sa isla ng Itbayat na marami sa mga bahay ang nasira.
Nagpapasalamat naman ang Obispo sa mabilis na tulong ng local at national government sa paghahatid ng relief goods sa mga naapektuhang pamilya.
“Since the president is also around, they had to rush in bringing the goods and they also promised to bring more. So as far as we are concerned here on our end and our lay leaders, we are looking for a long term assistance that we could give for our people. So, ngayon the immediate needs are being addressed by the government and thank God they are doing it,” ayon sa pahayag ni Bishop Ulep.
Sa bahagi naman ng simbahan, humihingi ng tulong ang Obispo para sa pagsasaayos ng nasirang simbahan.
“I am already looking on the way at how we could rehabilitate the Church, parehong na-damage kasi as you can see from the pictures. So I was telling na maghanda handa ka, baka it will take time for us to celebrate the sacraments somewhere else and I was looking at the nearby open gymnasium, so yun na muna siguro while we are getting a – we will hopefully get an expert to fully assess extend of the damage of the Church…” ayon kay Bishop Ulep sa panayam ng Radio Veritas.
Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pagtanggap ng sakramento ng mga residente sa pamamagitan na rin ng pagdaraos ng misa sa labas ng simbahan.
“So from the Church, I was looking for the long term assistance that could help. Pagkatapos na mag settle down ng mga tao doon, then how could I be of help? For me personally, I am already looking on the way at how we could rehabilitate the Church,” dagdag pa ng obispo.
Bukod sa rehabilitasyon ng mga nasirang gusali, plano rin ng prelature na humingi ng tulong para sa counseling sa mga biktima na nakaranas ng trauma dulot ng pagyanig.
Naunang humiling si Bishop Ulep sa sambayanang Filipino ng dasal para sa mga apektadong residente.
Read: Obispo ng Batanes, humiling ng dasal
Sa pinakahuling ulat, nanatili pa rin ang mga residente sa mga tent dahil na rin sa magkakasunod na aftershocks.
Walo katao ang naitalang nasawi, isa ang nawawalan at higit sa 60 katao ang nasaktan dulot ng lindol na naganap sa Ibayat, Batanes na may 3,000 populasyon.