541 total views
Hiniling ni Catarman Bishop Emmanuel Trance sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa misyon ng mga pastol ng Simbahan.
Ito ang pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis kung saan sinariwa ng mga pari ang pangakong pakikiisa sa misyon ni Hesus.
“We ask you to pray for your priests, and for your bishops as well. Prayer is the oxygen of our life, and your prayer continually bring us to the anointing on the day of our baptisms,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Trance.
Paalala ng Obispo sa mga pari na dumalo ang kahalagahan ng pakikiisa sa misyon ni Hesus bilang mga pari na naghahatid ng Mabuting Balita sa pamayanan.
Iginiit ni Bishop Trance na malaki ang maitutulong ng mga panalangin para sa kalakasan ng mga pari na ipagpatuloy ang misyon na maging tagapaglingkod sa sambayanan.
“In spite of our weaknesses and sinfulness we are staying strong to share with the mission of Christ, after all it is Jesus’ mission, we are just instruments, we are the servant leaders or the servant of the royal priesthood or the people of God. As God came not to be served, but to serve,” ani ng Obispo.
Kasabay nito ang pagbabasbas sa Banal na Langis na ginagamit sa mga Sakramento ng Simbahan kung saan ipinaliwanag ni Bishop Trance na ito ay sagisag ng presensya ni Hesus, kapatawaran ng kasalanan at pagkakataong makibahagi sa misyon ni Kristo.
Ginanap ang Chrism Mass sa Catarman Cathedral Parish sa pangunguna ni Bishop Trance kasama ang 42 mga pari at si Bishop Emeritus Angel Hobayan.