2,257 total views
Umaasa ang Pilgrims for Peace na maging daan ang paggunita ng Kuwaresma upang mamulat ang lahat sa kalagayan ng mga higit na nangangailangan sa lipunan.
Ito ang panalangin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – convenor ng Pilgrims for Peace kaugnay sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Ayon sa Obispo na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, nawa ay maging makabuluhan at magsilbing daan ang paggunita ng Kuwaresma upang mamulat ang bawat isa sa kalagayan ng mga nagdurusa at nangangailangan ng ayuda dulot ng iba’t ibang krisis sa lipunan.
Tinukoy ni Bishop Alminaza ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na nagdudulot ng kahirapan at kagutuman sa mga maralita na pinalala ng patuloy na pagtaas ng unemployment rate at kawalan ng sariling tahanan ng mamamayan.
“As we prepare ourselves for this year’s Lenten journey, the suffering of the poor weighs upon our hearts. Amidst soaring inflation, it seems impossible for most families to make ends meet. Hunger and deprivation are further exacerbated through extensive joblessness and underemployment in urban areas as well as landlessness for the rural poor. Perhaps, this year, our Lenten journey can help us better understand the hunger and thirst of the Filipino people.”mensahe ni Bishop Alminaza.
Ang pagdiriwang ng Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday ang hudyat sa pagsisimula ng Kuwaresma na apatnapung araw na paghahanda ng Simbahan para sa Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus matapos ang kanyang pagpapakasakit sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Ayon sa Santo Papa Francisco, ang pagtanggap ng ‘abo’ na tanda ng kababaang loob ay isa ring panawagan sa lahat upang magpakumba sa Panginoon at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan sa buhay