1,510 total views
Umaapela ang isang lider ng Simbahan sa bagong kalihim ng Department of Education na tutukan ang kapakanan ng mga estudyante at guro na apektado sa implementasyon ng K to 12 program ng pamahalaan.
Iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na dapat mapangalagaan ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa pagpapatupad ng K to 12.
“Sana pangalagaan ‘yung katatayuan ng mga estudyante at ‘yung mga teachers na mawawalan ng trabaho dahil sa K to 12,” pahayag ni Bishop Pabillo
Sinasabing aabot sa 30-libong mga guro ang posibleng mawalan ng trabaho ngayong 2016 dahil sa K to 12 o ang bagong senior high school curriculum.
Naunang naglabas ng panawagan ang CBCP sa pamahalaan na bigyan ng bagong training at skills seminar ang mga gurong maapektuhan ng K to 12 para hindi mawalan ng kabuhayan.