357 total views
Sa pamamagitan ng liham pastoral, muling ipinaalala ng Obispo isang araw bago ang opisyal na panunumpa ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Pilipinas na kaakibat ng boto ng mamamayang Pilipino ay tiwala sa kanilang paglilingkod ng tapat para sa kapakanan ng buong bayan.
Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Office on Women, umaasa ang taumbayan sa paglilingkod ng tapat at dalisay ng mga halal na opisyal.
“I would like to congratulate the national and local candidates who had been proclaimed winners in the most recent national elections of 2022 held in our country. Needless to say, know you are well aware of our people’s high expectations when they decided to vote for you. Clearly our people expect their leaders to be ready to make sacrifices for the sake of truly serving them. It is my hope that you heed their call to selfless service in your decisions and actions, mindful of the motto “Kapwa muna bago ang sarili (Neighbor first before self)” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Varquez.
Ibinahagi ni Bishop Varquez na bahagi ng kanyang tungkulin na gabayan ang moralidad at buhay espiritwal ng bawat mamamayan sa diocese of Borongan ngunit bilang isang Pilipino ay kaisa siya ng taumbayan sa pananawagan sa mga opisyal ng bayan na tutukan ang mahahalagang usapin at suliraning panlipunan sa bansa.
“As Bishop, I am a shepherd tasked to guide our people morally and spiritually, together with our priests, religious and lay leaders in the diocese. But like them, I am also a Filipino citizen who begs your kind attention to very important concerns.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.
Kabilang sa mga tinukoy ni Bishop Varquez na dapat na tutukan ng bagong administrasyon ay ang mga socio-economic concerns, pagtiyak sa kasapatan ng pagkain sa bawat hapag; gayundin ang higit na pagbibigay prayoridad sa pangangalaga ng kalikasan.
Tinukoy din ng Obispo ang pagsasaayos sa proseso ng halalan sa pamamagitan ng pag-aaral sa posibilidad ng semi-automatic elections na mano-manong pagbibilang ng balota at electronic transmission ng resulta sa COMELEC; at ang pagtiyak sa pagkakaroon ng maayos at matapat na pamamahala sa bansa.
Hamon sa mga opisyal ng pamahalaan ang pagtutok sa common good o ang makabubuti sa mas nakararami at pagsasantabi ng mga katiwalian at iregularidad sa pamamahala sa iba’t ibang sanggay ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng Obispo ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa pamahalaan at tuwinang pananalangin para sa lahat ng mga bagong opisyal ng bayan.
“Pope Francis especially challenges us to pray and work together for a new kind of politics where political and social charity combine to tap “the reserves of goodness present in human hearts” towards actions that achieve results especially “for the sake of the poor” (Pope Francis, Fratelli Tutti, nn. 180, 190, 196). Be assured of my prayers and cooperation as well as those of our clergy and religious for the realization of the aspirations of our people.”pahayag ni Bishop Varquez