31,847 total views
Ipinapakita ng West Philippine Sea: Atin Ito Movement ang mapayapang paninindigan ng mamamayan mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan para sa mga teritoryong pagmamamay-ari ng Pilipinas.
Ito ang buod ng liham pastoral ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa isasagawang Christmas Convoy ng Atin Ito Movement patungo sa mga isla ng West Philippine Sea upang maghatid ng mga regalong pamasko sa mga mangingisda at uniformed personnel.
Pinapasalamatan ni Bishop Pabillo ang lahat na sumuporta sa inisyatibong magdadala ng kaligayahan sa mga Pilipino sa WPS.
“It is a peaceful activity withing our own territorial waters, I thank all the people who supported this initiative by sending them their gifts, may this activity bring good cheers to all,” ayon sa liham pastoral na ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Inihayag ng Obispo na ang paglalayag ng Atin Ito Movement kasabay sa paggunita ng International Human Rights Day ay pagpapakita ng pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Ang Christmas Convoy na pinangangasiwaan ng Atin Ito Movement ay layuning mabisita at makapaghatid ng mga regalo sa Ayungin Shoal, Lawak Island, Patag Island, El Nido Salubong at malapitan din ang BRP Sierra Madre.
Katuwang ng Grupo sa iniyasyatibo ang mahigit 100-indbidwal na pawang mga youth leaders, miyembro ng ibat-ibang grupo at media personnel para maghatid ng pamasko sa mga mangingisda at uniformed personnel sa lugar.
Sa ika-9 ng Disyembre ay idadaos ang send-off-dinner at magsisimula sa paglalayag ang Christmas convoy sa ika-10 ng Disyembre gamit ang tatlong pribadong barko at dalawang barko ng Philippine Coast Guard.