454 total views
Nagpapasalamat ang Obispo ng Diocese of Cabanatuan sa mga Institusyon, indibidwal at grupo na agad tumugon sa pangangailangan ng mga nasalantang mamamayan at manggagawa ng Bagyong Agaton.
Tinukoy ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang mga ahensiya ng pamahalaan, local government lalu na ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila na agad nagpadala ng tig 200-libong piso sa Archdiocese of Capiz at Diocese of Maasin na mga lubhang nasalanta ng bagyo.
“I wish to gratefully acknowledge the generous initiatives of individuals, groups and agencies who responded to the plight of so many families that have been harshly affected by the typhoon. Unfortunately, several communities have been inundated and wiped out by the landslide. Human lives and properties have been lost that will, certainly, require immediate assistance,” mensahe pa ng Obispo.
Nawa ayon pa sa Obispo, mas mapag-alab pa ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa upang malabanan rin ang kasamaan at kasalanan na nagpapahirap sa lipunan.
“Even as we find ourselves in the world that is wrecked by greed and selfishness, as well as by man’s humanity to man, we still see glimmers of light and hope as exemplified by some of our brothers and sisters. Ang mga ilaw na ito ay kailangan pang paningningin at papag-alabin upang sama-sama nating puksain ang tumitinding kadiliman ng kasamaan at kasalanan na patuloy na bumabalot sa ating lipunan at sandaigdigan,” pagbabahagi pa ni Bishop Bancud.
Nagtitiwala rin Bishop Bancud na kumikilos ang mga sangay ng pamahalaan upang agad na matulungan ang mga nasalantang magsasaka at mangingisda.
Ito ay matapos umabot sa 2.8-bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura base sa ulat ng Department of Agriculture (DA) sa mga nasalantang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Nababatid ng Obispo na ito ay bilang bahagi ng taunang pagplano ng pamahalaan kung saan tinitiyak na sasapat ang mga paghahanda sa pagharap sa ibat-ibang uri ng natural na kalamidad.
“I am confident that these agencies already have programs and strategies to respond to these difficult situations. They have the human resources who are trained and have the expertise to organize and systematically implement the programs. They also have the budgeted materials and financial resources that are necessary in rendering the appropriate and relevant services needed by the typhoon victims. That is why prompt and immediate response to this situation should not be a problem,” ayon sa Ipinadalang mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Batay sa pinakahuling pag-uulat ng Department of Agriculture, umaabot na sa 2.8-bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor at higit na sa 64-libong mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.