186 total views
Nararapat na mas maging aktibo at malawak aang panawagan sa panawagan sa mga Senador na manindigan para sa kasagraduhan ng buhay.
Ito ang panawagan sa taumbayan ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission kaugnay sa nakatakdang pagdinig ng Senado sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa matapos tuluyang makapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Positibo si Bishop Bastes na may pag-asa pang maaaring panghawakan ang taumbayan sa mga Senador kaya’t marapat lamang na gabayan at manawagan sa mga ito na manindigan at gamitin ang kanilang konsensya sa pagpapasya.
“We are not allowed to killed anyone, from the womb to the tomb therefore no birth control, no to abortion, no to euthanasia all that are against life, that’s against the law of God. Kaya we to have a firm commitment tell our congressmen, tell our senators now there is the hope in the Senate and I think most Senators will vote against that…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radio Veritas.
Sa naaprubahang bersyon ng Kamara, ipapataw lamang ang parusang kamatayan sa mga drug-related cases kabilang na ang drug manufacture, trade, sale, importation at pagpapasok ng droga sa bansa kung saan sa nasabing panukala ay papayagan ang execution sa pamamagitan ng bitay, firing squad, o kaya naman ay lethal injection.
Samantala, sa kasalukuyan tinatayang umaabot na sa 34 ang namatay sa implementasyon ng “Project Double Barrel: Reloaded” ng Philippine National Police (PNP) na inilunsad noong ika-6 ng Marso.
Sa tala, aabot sa 7,833 mga drug pushers at users na sumuko sa mga otoridad bukod pa sa 2,132 drug suspects na naaresto sa mga operasyon