388 total views
Nababahala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nagaganap na kaguluhan sa Estados Unidos.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos–Vice Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) at Pangulo ng International Catholic Migration Commission (ICMC) -Asia-Ocenia Working Group, ito ay nang isailalim sa lockdown ang US Congress nang makapasok ang ilang supporters ni out-going US President Donald Trump.
Isinasagawa sa joint session ng mga mambabatas ang ratipikasyon sa pagkapanalo ni President-elect Joe Biden na isinagawa sa nakalipas na November Presidential Elections.
Paliwanag ng Obispo, tanging panalangin ang maitutulong ng bawat isa sa ngayon upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakasundo sa Estados Unidos gayundin sa kaligtasan ng mga Filipino sa US.
“We are so concern and we care so much as we have many Filipinos living and working there. Our country has a long heroic and beautiful historic relationships with US. At this moment our help is to pray earnestly to God, offer our Holy Mass that peace and harmony may prevail. Let us pray always and constantly that violence will be avoided and rule of Law be followed and respected,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radio Veritas.
Hinikayat din ni Bishop Santos ang pag-aalay ng misa upang hindi manaig ang karahasan kundi kapayapaan at pagkakaisa ng lahat gayundin ang patas na pagpapatupad ng batas Una nang itinakda ang inagurasyon para sa susunod na Pangulo ng Estados Unidos sa ika-20 ng Enero.