427 total views
Nabakunahan na ng unang dose ng AstraZeneca vaccine si Baguio Bishop Victor Bendico bilang proteksyon sa banta ng coronavirus disease.
Ayon kay Bishop Bendico, wala naman itong naramdamang kakaibang reaksyon sa katawan pagkatapos na matanggap ang bakuna.
Nilinaw naman ng Obispo na inabisuhan siya ng kanyang doktor na agad nang magpabakuna dahil ito’y palaging bumibisita sa iba’t-ibang lugar na kinasasakupan ng Diyosesis.
“I always encounter people, everyday. So, that is why ‘yung doktora ko at tsaka yung hospital, sabi nila ay magpabakuna na ako dahil palagi akong lumalabas. So, wala akong second thoughts,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.
Si Bishop Bendico ang ikalawang Obispo sa bansa na nakatanggap ng AstraZeneca vaccine kasunod ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo.
Read: https://www.veritas846.ph/arsobispo-inirekomenda-ang-pagbabakuna-ng-covid-19-vaccine/
Hinikayat naman ni Bishop Bendico ang mga kapwa Obispo na magpabakuna na rin ng COVID-19 Vaccine para sa kanilang kaligtasan lalo’t muling tumataas ang bilang ng mga nagkakaso nito sa bansa.
“Because it could be for our own health, our own good at tsaka para din naman sa iba,” ayon sa Obispo.
Matatandaang inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles ang kahandaan ng mga Obispo sa bansa na magpabakuna sa harapan ng publiko upang magkaroon ng tiwala ang mamamayan sa Vaccine campaign ng pamahalaan.