8,417 total views
Umapela ng pagtutulungan si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian sa lalawigan.
Ibinahagi ng obispo na lubhang napinsala ng malakas na hangin at pag-ulan ang malaking bahagi ng Batanes makaraang isailalim sa Signal Number 4 nitong September 30 kung saan naitala ng PAGASA ang pagbugso ng hanging aabot sa 215-kilometro kada oras.
Tiniyak ni Bishop Ulep sa nasasakupang mamamayan ang pagkakaisa upang mapagtibay ang mga hakbang tungo sa pagbangon mula sa kalamidad.
“It is during this time of crisis that I exhort each one of you in order for us to join hands together and prove that in the spirit of Synodality, we journey together in rebuilding opur shattered lives especially during this moments,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep.
Ibinahagi ng obispo na maging ang mga simbahan sa lalawigan ay napinsala rin ng bagyo gayundin ang Clergy House, residensya ng obispo, at ang St. Dominic College.
Dalangin ni Bishop Ulep ang kaligtasan ng bawat isa sa kabila ng matinding hamong kakaharapin lalo na ang rebuilding efforts sa mga nawalan ng tahanan at nasirang gusali.
“Let us share our time, talent and treasure to anyone who is badly in need of help. Let us all put into action our famous and rich tradition/practice,” ani Bishop Ulep.
Sa mga nais tumulong sa prelatura maaring magdeposito sa Landbank Basco Branch Account Name: Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08, sa Gcash Account Danilo Ulep 0917-578-0198, at Edilbert Concordia 0949-465-3918.
Paalala ng obispo na ipadala ang proof of donation sa [email protected] para sa proper acknowledgement ng inyong mga tulong at maiwasan din ang mga mapanamantalang indibidwal.
Patuloy humiling ng panalangin si Bishop Ulep para sa katatagan at kahinahunan ng mga biktima ng Supertyphoon Julian na nanalasa sa Northern Luzon lalo na sa Batanes.