2,344 total views
Obispo ng Ipil, itinalagang arsobispo ng Archdiocese of Zamboanga ni Pope Francis
Itinalaga ng Santo Papa Francisco si Ipil Bishop Julius Tonel bilang arsobispo ng Archdiocese of Zamboanga.
Isinapubliko ng Vatican ang appointment alas dose ng tanghali sa Vatican o ganap na alas sais ng hapon oras sa Pilipinas.
Si Archbishop elect Tonel ay ipinanganak sa Davao City noong August 31, 1956 at naordinahang pari ng Archdiocese of Davao noong April 12, 1980.
Sa mahigit apat na dekadang pagiging pari ilan sa mga naging tungkulin nito ang pamamahala bilang Parish Vicar; Director of the Apostolate of the Family at pag aaral ng licentiate in liturgical theology sa Pontificio Ateneo Sant’Anselmo sa Roma mula 1986 hanggang 1990.
Nang bumalik sa Pilipinas naging Director ng Archdiocesan Liturgical Center, Vice Rector, Professor at Spiritual Director ng Regional Major Seminary sa Davao sa pagitan ng 1992 hanggang 1997.
2002 hanggang 2007 naging kura paroko at vicar general ng arkidiyosesis bago hiranging obispo ni Pope Benedict XVI sa Diocese of Ipil noong June 2007.
Si Archbishop elect Tonel ang ika – 11 arsobispo ng Zamboanga kasunod ng namayapang si Archbishop Romulo Dela Cruz na naglingkod mula 2014 hanggang pumanaw noong December 2021.
Sa kasalukuyan nanatiling lima ang sede vacante sa Pilipinas ang Diocese of Alaminos, Baguio, Gumaca, Ipil at Apostolic Vicariate ng Calapan Mindoro.