Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispong isinasangkot sa sedition case, naghain ng counter affidavit sa DOJ

SHARE THE TRUTH

 2,635 total views

Obispong isinasangkot sa sedition case, naghain ng counter affidavit sa DOJ

Naghain ng kanilang counter affidavit ngayong araw sa Department of Justice ang mga Obispo na isinasangkot ng Philippine National Police-Criminal and Investigation Detection Group sa kasong sedisyon, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice.

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang counter affidavit ay tugon sa akusasyon ng tinaguriang false witness na si Peter Joemel Advincula kaugnay sa lumabas na “Ang Totoong Narcolist video” kung saan unang isinasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga ang Duterte family at Senador Bong Go.

Matapos bawiin ang unang testimonya, idinadawit naman ni Bikoy sa kaso si Bishop Bacani, Cubao Bishop Honesto Ongtioco,Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas,CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Father Robert Reyes, Father Flaviano Villanueva, Father Albert Alejo, Vice-President Leni Robredo at iba pang kritiko ng pangulong Duterte.

Inaasahan ni Bishop Bacani na mapapatunayang baseless ang mga akusasyon laban sa kanya ni Bikoy.

Iginiit ng Obispo na hindi niya kilala si Bikoy at wala siyang anumang komunikasyon dito.

“Hindi ko naman kilala yang Bikoy na yan, I’ve never met him, I’ve never talk to him, we don’t know each other. We have no communications with each other, so wala akong kinalaman diyan. Wala naman kasi silang katibayan na nagkaroon nga kami ng communication…”pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas

Umaasa naman si Bishop Bacani na manindigan at tutulan ng mamamayan ang lahat ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Sa panayam ng Radio Veritas, kinumpirma rin ni Bishop Bacani na naghain na rin sa D-O-J ng kanilang counter affidavit si CBCP Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas habang si Bishop Ongtioco ay nasa abroad sa kasalukuyan.

“Nag-submit na kami ng counter affidavit ngayong hapon kami ni Archbishop Soc (Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas) tapos si Bishop David (CBCP Vice President, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David) nag-submit na rin kaninang umaga at si Bishop Ongtioco (Cubao Bishop Honesto Ongtioco) out of the country so he has up to August 20 to submit…”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Kinumpirma din ni Bishop Bacani na hindi sila dadalo sa preliminary investigation ng D-O-J na nakatakda ika-9 ng Agosto,2019.

Kaugnay nito, magsasagawa ang Mother Butlers Guild ng pag-aayuno at pagrorosaryo bilang suporta sa mga inuusig na miyembro ng Simbahang Katolika.

Read: Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

Nagpahayag din ng masidhing suporta ang Philippine Catholic Charismatic Renewal Services, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at iba pang religious organization sa mga inaakusahang lider ng Simbahan.

Read: PCCRS, nagpahayag ng suporta sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP

Naunang hinamon ni Prelature of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang lahat ng Diocese, Archdiocese at Lay organization na panahon na “to stand up”.

Read: Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc

Ang hamon ni Bishop Dimoc ay tinugon ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, iba pang Obispo at religious organization sa bansa.

Read: Speak now, silence is not an option
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 5,165 total views

 5,165 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 12,274 total views

 12,274 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 22,088 total views

 22,088 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 31,068 total views

 31,068 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 31,904 total views

 31,904 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

US Coast Guard Chief Chaplain, bumisita sa Pilipinas

 27,855 total views

 27,855 total views Nasa Pilipinas ang Chief Chaplain ng US Coastguard para sa 5-day visit. Ito ang kauna-unahang pagbisita sa bansa ng isang Chief Chaplain ng United States of America Coastguard. Sinabi ni Philippine Coast Guard Chaplain Rev. Fr. Kim Margallo na layon ng 5-day visit ni US Coast Guard Chief Chaplain Captain Danile L. Monde

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Kilalanin ang desisyon ng Korte Suprema, payo ng abogado kay Mayor Binay

 22,017 total views

 22,017 total views Nararapat malugod na tanggapin ni Makati Mayor Abby Binay ang “unintended consequences” sa territorial dispute sa Taguig dahil ang Makati mismo sa kanyang pamumuno ang nag-akyat ng usapin sa Korte Suprema. Ayon kay Atty Darwin Canete, isang prosecutor at blogger, nang idulog ng Makati City ang kaso sa S-C at hingan ang mga

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

14 na pampublikong paaralan ng Makati na bahagi ng desisyon ng SC, isinailalim sa DepEd

 21,130 total views

 21,130 total views Nasa pangangasiwa na ng Department of Education ang 14 na pampublikong paaralan na naapektuhan sa desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute sa pagitan ng Makati at Taguig. Sa pahayag ng DepEd, ito ay upang maiwasan ang kalituhan lalo’t nagsimula na ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong araw. Sa kautusan, ang tanggapan ng

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

 20,881 total views

 20,881 total views Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL). Ayon kay Customs Commissioner Rubio, sa pamamagitan ng P-C-L ay mas mapaiigting ang border security, at matutukoy kung tama ang buwis na ibinayad sa ipinapasok na produkto sa bansa. Makakatuwang ng B-O-C sa

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Lapid bill kontra Tobacco smuggling, “ANTI-FILIPINO”

 20,978 total views

 20,978 total views Matapos na masabat ng Bureau of Customs (BoC), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang 155 milyong pisong kontrabandong produktong pang-agrikultura, nanawagan ang isang grupo ng konsyumer kay Senador Lito Lapid na “pagtuunan ang tunay na problema ng mga konsyumer” sa halip na unahin ang interes ng mga dayuhan sa

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Why celebrate EDSA People Power “bloodless” revolution?

 20,474 total views

 20,474 total views Matapos ang 37 taon, patuloy pa rin ang ipinaglalaban ng milyun-milyong Pilipino sa EDSA. Nakamit man ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos ay umiiral pa rin sa Pilipinas ang kawalan ng katarungan, tyranny at laganap na kahirapan. Binigyan-diin ni Rev. Fr. Jerome Secillano, rector ng Shrine of Mary, Queen of

Read More »
Halalan Update 2022
Arnel Pelaco

Catholic E-Forum

 3,736 total views

 3,736 total views Bilang paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum. Ilulunsad ang Catholic E-Forum sa ika-14 ng Pebrero 2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Mga botante, pinaalalahanan ng opisyal ng Simbahan sa vote buying at vote selling

 3,053 total views

 3,053 total views Labag sa Omnibus Election Code of the Philippines Article XII at moralidad ang vote buying at vote selling. Ito ang paalala ni Radio Veritas President Fr.Anton CT Pascual sa mga botante na pipili ng ihahalal na lider ng bansa sa May 2022 national at local elections. Inihayag ni Fr. Pascual na ang pagtanggap

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Sambayanang Filipino, tutol na i-abolish ang PHILHEALTH

 3,006 total views

 3,006 total views Mayorya ng mga Filipino ang tutol na i-abolish ang Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH. Sa isinagawang Veritas Truth Survey na may petsang September 25 hanggang October 4, 2020 sa 1,200 respondents nationwide, lumabas na 56-porsiyento ang nagpahayag ng NO sa tanong na “Pabor ka bang i-abolish na ang PHILHEALTH”? Base sa V-T-S,

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Radio Veritas, nanindigan sa kahalagahan ng Press freedom sa ABS-CBN shutdown

 3,039 total views

 3,039 total views May 6, 2020, 1:47PM Naninindigan ang Radio Veritas 846 sa malayang pamamahayag o Press Freedom sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon at katotohanan. Mula noong 1986 EDSA People Power revolution, patuloy na isinusulong at pino-protektahan ng Radio Veritas ang ‘Freedom of the Press”. Sa pagpapahinto ng National Telecommunication Communications o N-T-C sa

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Pangulong Duterte, hinamong gamitin ang emergency power sa COVID testing for all

 2,808 total views

 2,808 total views March 31, 2020, 9:19AM Hiniling ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action Justice and Peace/Caritas Philippines sa pamahalaan na paigtingin ang testing sa mamamayan upang agad na masugpo ang pagkalat ng corona virus disease. Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang chairman ng komisyon,

Read More »
Politics
Arnel Pelaco

Pagsasantabi ng Kongreso sa ammendment ng Juvenile Justice law, welcome development sa PAYO

 2,705 total views

 2,705 total views Nasasaad sa Doktrinang Panlipunan ng Simbahang Katolika o DOCAT na palakasin ang pambansa at pandaigdigang laban at pagsusulong ng karangalan at karapatan ng bawat bata.laban sa iba’t ibang paglabag at pananamantala sa dignidad. Sa ganitong konteksto ay nagpahayag ng kapanatagan ang Philippines Action for Youth Offenders (PAYO) dahil sa hindi pagkakaroon ng pagkakataon

Read More »
Politics
Arnel Pelaco

Payo ng Obispo sa mga botante, huwag ihalal ang magaling magnakaw, magsinungaling at pumatay

 2,654 total views

 2,654 total views Gamiting basehan sa pagpili ng iboboto sa nalalapit na halalan ang mga kandidatong Magaling, Mabuti at Mabait. Ito ang paalaala ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa may 60 milyong botante na makikibahagi sa halalan sa Lunes, ika-13 ng Mayo 2019. Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng bansa ang pinunong may kakayahan sa posisyon

Read More »
Politics
Arnel Pelaco

Endorsement ni Velarde, kinontra ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 2,662 total views

 2,662 total views Hindi sang-ayon ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa labing-dalawang senatorial candidate na inendorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde. Ayon kay Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, dapat ginamit bilang basehan sa pagpili ng ii-endorsong kandidato ay walang bahid ng katiwalian at korupsyon. “Pero may record po ito. Dapat ang

Read More »

Campaign Against Corruption ng Pangulong Duterte, Naging Katatawanan

 995 total views

 995 total views Ito ay dahil ang pangulong Rodrigo Duterte ay isang joke. Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi na pinaniniwalaan ang pangulong Duterte sa mga pahayag nito maging ng mga nakakilala sa kanya. Bukod sa battle cry na ihinto ang kalakaran ng iligal na droga sa bansa naging pangako din ng pangulo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top