16,546 total views
Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo ba ito upang maibsan ang buhol-buhol na trapiko sa kalakhang Maynila? Bukod sa ODD-EVEN scheme, umiiral din ang number coding scheme.
Kapanalig, ang “odd-even scheme” ay pinag-aaralang ipatupad ng gobyerno sa kahabaan ng EDSA bukod pa number coding.. Ang paraan na ito ay iimplementa dahil sa inaasahang matinding trapik o“carmaggedon” na idudulot ng sinasabing “one-time big-time” na rehabilitasyon ng EDSA..
Sa plano, aalisin ang mga lumang kongkreto, aayusin ang base, muling tatakpan ng semento at lalagyan ng aspalto ang kahabaan ng EDSA…Kapanalig, ihanda niyo na ang inyong sarili,…isasagawa ng DPWH ang malawakang rehabilitasyon sa EDSA sa paggunita nating mga Pilipino ng “holy week”.
Sa mga dumadaan ng EDSA papasok sa trabaho., huwag masyadong mag-aalala, bukas ang EDSA bus carousel, mayroong MRT, ang natitirang lane na hindi pa isasailalim sa rehabilitasyon ay gagamitin naman ng mga pribadong sasakyan.
Kapanalig, ginawa ang 23.8-kilometrong EDSA o tinatawag na HIGHWAY 54 noon upang magamit ng 6,000-sasakyan kada oras ngunit sa kasalukuyan ay 8,000 hanggang 9,000-libong sasakyan ang gumagamit ng EDSA kada oras. Ang EDSA ay nagko-konekta sa ibang pangunahing highway sa National Capital Region. Sa lahat ng highway sa Pilipinas., Ang EDSA ang number 1 sa bumper-to-bumper na trapik.. Sa datos ng MMDA, mahigit sa 360,000-libo mamamayan ang gumagamit sa EDSA kada araw habang sa kabuuang 378,657-libong pribadong sasakyan, 2-thirds nito Kapanalig ay dumadaan sa EDSA kada araw.
Napakarami ng schemes ang ipinatupad sa EDSA, U-turn, odd-even, number coding, pagba-ban sa mga truck, pagpapaalis sa mga terminal bus.. sinubukan din ang high-occupancy vehicle, or HOV, policy., EDSA bus carousel, pero walang epekto… ma-trapik pa rin sa EDSA.
Ang sinisisi sa mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA ay ang mga pribadong sasakyan… Sa mayayaman Kapanalig, walang epekto ang odd-even scheme… ang number coding… may sagot ang mayayaman sa polisiya ng pamahalaan sa EDSA.. sa pagtaya ng MMDA, 80-percent ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA ay driver at isang pasahero lamang ang sakay. Kung anim na lane mayroon sa EDSA, isa lamang dito ay para sa public buses, ang lima ay para sa mga pribadong sasakyan. Sa Pilipinas, wala pong limit ang pagmamay-ari ng sasakyan, basta may pera, makakabili ka ng sasakyan..Tuwang-tuwa ang mga car dealers habang hilong-hilo at nakakatulog na sa matinding trapik ang mga karaniwang commuters.
Kapanalig, asahan niyo na ang matinding trapik sa EDSA sa holy week… tulad ng nakagawian, wala na naman tayong magagawa… hindi bale, nakasanayan na natin ito…lagi naman tayong biktima sa kakulangan ng ating mga policy makers..Wala tayong bilang!
Pero, Kapanalig para sa ating panginoon Hesus, tayo ay pinagpala… “2 Corinthians 8:9- For you know the grace of our Lord Jesus Christ, that though he was rich, yet for your sake he became poor, so that you by his poverty might become rich.
Sinasabi din sa “Matthew 5:3– Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven”.
Sumainyo ang katotohanan.