333 total views
Kinilala ng migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga manggagawa sa paggunita ng labor day.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon kahanga-hanga ang ipinakitang katatagan ng mga Pilipino lalo na ang mga migrante sa iba’t ibang bahagi ng mundo na hinarap ang hamon ng krisis upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
“We, at CBCP-ECMI, prayerfully greet and wish our labourers especially our migrants and seafarers whose works manifest their expertise and excellence; We appreciate and grateful for their resiliency, courage and strength to labor harder and honestly for our country and for their family,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ito ang pagbati ng obispo sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong Mayo 1 kasabay ng kapistahan ni San Jose Manggagawa ang patron ng nasabing sektor.
Umaasa ang opisyal na kumilos ang pamahalaan upang mabigyang proteksyon ang mga manggagawa lalo’t malaki ang banta na kanilang kinakaharap sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan.
“To celebrate this May 1 for them is to implement and enact laws for their benefits as to protect them from unjust, unfair practices,” ani ng obispo.
Patuloy din ang panawagan ni Bishop Santos ang proteksyon sa mga OFW laban sa pananamantala kung saan batay sa Global Survey Index noong 2015 humigit kumulang sa 300-libong Pilipino na karamihan ay kababaihan ay biktima ng modern day slavery sa ibayong dagat.
“Let us continue to promote their rights and always prevent them from exploitation and from scrupulous agencies, and employers and those who victimised them, those who abused them should be investigated and prosecuted,” giit pa ni Bishop Santos.
Sa kasalukuyang tala ng Philippine Statistics Authority mahigit na sa 10-milyon ang mga OFW sa buong daigdig. Hiniling na ni Bishop Santos sa mga dicoesan desk migrants ministry at chaplaincy ang pagsasagawa ng Banal na Misa para sa mga migrante sa pagdiriwang ng Labor Day bilang pakikiisa sa mga manggagawa.