403 total views
Kinilala ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) Vice-Chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sakripisyo at pagpupursigi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibayong dagat.
ito ay kaugnay sa muling pagkakamit sa buwan ng Setyembre ng mataas na ‘Remittance Rate’ ng mga OFW.
“Our OFWs are our economic front liners against Covid19. With their remittance just for this first nine months of 2021 of 23.12 US billions we are financially sustained and stable. We are rising up,” ayon sa ipinadalang mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Sa kaniyang pahayag, muling inalala ni Bishop Santos ang pagkakaroon ng sektor na bansag bilang ‘Bagong Bayani’ dahil sa pagpapakita ng mga OFW nang katangiang katangi-tangi sa mga manggagawang Pilipino.
“Truly they are economic heroes much more they are show to the whole world the true face of Filipinos: honest, hardworking and helpful.” ani Bishop Santos.
Nanawagan naman ang Obispo na ipagdasal ang mga tinaguriang bagong bayani ng bansa.
Naniniwala si Bishop Santos na ang mataas na OFW remittances ay senyales ng masayang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon at pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
“They are always ready to share, make sacrifices for our country and their loved ones. With their generous remittance our Christmas is merrier and our new year happier, let us be grateful to them and always pray for their strength, sound health and safety.,” mensahe ni Bishop Santos sa himpilan.
Sa opisyal na lathala ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay muling naitala ang paglago ng remittance rate ng mga OFW mula sa $2.88-billion dollars noong Setyembre 2020, ay lumago ito sa $3.026-billion dollars ngayong Setyembre 2021.
Kung ikukumpara naman sa unang siyam na buwan noong 2020 na naitala lamang sa $24.302-billion dollars ay higit ring mas mataas ang bilang para sa unang siyam na buwan ngayong 2021 na naitala naman sa $25.699-billion dollars