219 total views
Pinag – iingat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples sa mga illegal recruitment agencies ang mga nagbabalak na magtrabaho sa Japan.
Ginawa ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-ECMIP ang babala dahil hinihintay na lamang ang implementing rules and regulations mula sa Japan sa pagtanggap ng mga O-F-W.
Hinimok ni Bishop Santos ang mga manggagawang pinoy na tiyaking lehitimo ang mga job offers at agencies sa tanggapan at website ng Philippine Overseas Employment Administration.
“Iyan ang ating kinakabahan na may mga taong manlilinlang, taong makasarili at gustong makalamang. Sinasabihan natin ang mga gustong magtrabaho na alamin sa POEA kung recruitment na ito, kung ang agency na ito, kung ang hiling na ito na trabaho ay registered o hindi registered.” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Binalaan rin ni Bishop Santos ang taumbayan sa mga pekeng recruitment agencies na nangingikil ng reservation at registration fee na libre lamang.
“Kapag kumuha at humingi ng pera para sa reservation fee, registration fee, magduda na sila peperahan lamang sila dahil libre ito kaugnay sa kasunduan ng Pilipinas at Japan.” Giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Kinumpirma ni POEA undersecretary Dominador Say na aabot ng 800,000 ang kailangang caregivers ng Japan.
Kabilang sa mga naghihintay na trabaho sa mga Pinoy sa Japan ay caregivers, auto – mechanic, magsasaka at IT Professionals.
SUKLIAN ANG PAGHIHIRAP AT SAKRIPISYO
Hinimok ni Bishop Santos ang kasalukuyang administrasyon na suklian o tumbasan ang paghihirap at sakripisyo ng mga O-F-W dahil ang pandarambong sa kanilang remittances ay isangheinous crime
Nabatid mula sa datos ng P-O-E-A na umaabot sa 6,092 documented O-F-Ws ang umaalis ng bansa kada araw.(Romeo Ojero)