21,685 total views
Sang-ayon ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers sa hakbang ng Pag-IBIG Fund na dagdagan ang monthly savings rate ngayong taon.
Ayon kay Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc. o (KAMPI) President Luther Calderon mahalagang suportahan ang hakbang ng institusyon upang matugunan ang pangangailangan ng lumalagong miyembro lalo na ang usapin sa pagkakaroon ng disenteng bahay na masisilungan.
“We support unequivocally Pag-IBIG Fund’s proposal to increase the contributions of its members. An increase in contributions is definitely a step towards the right direction as this would mean more funds that could be employed for the benefit of members seeking to apply for home loans and short-term loans. Not only is it timely, but more importantly, it is the right thing to do,” bahagi ng pahayag ni Calderon.
Sa ilalim ng bagong saving’s rates, magiging 200-piso na ang magiging kontribusyon ng mga manggagawa at employer mula sa 2-percent maximum monthly compensation na P10, 000.
Bukod sa KAMPI nagpahayag din ng suporta ang Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI), Kaibigan ng mga OCWs, at iba pang OFW groups.
Naniniwala ang mga OFW na mas mapapabuti pa ng Pag-IBIG Fund ang mga benipisyong maiaalok sa 15-milyong kasapi sa buong bansa kung saan bukod sa pabahay ay mayroon ding iba’t ibang loan programs.
Tiniyak ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa mga OFW na pag-ibayuhin ng institusyon ang pagbibigay tapat na serbisyo sa bawat kasapi lalo na sa hanay ng mga OFW.
“Under our new rates, members shall have higher Pag-IBIG Savings that earn annual dividends, which they shall receive upon membership maturity or retirement, as well as higher multi-purpose and calamity loan amounts to help them with their financial needs. This shall also allow us to continue offering affordable home loans and provide them better opportunities to gain a home of their own,” ayon kay Acosta.
Taong 2019 nang aprubahan ng Pag-IBIG Fund ang pagdadagdag sa buwanang kontribusyon na ipatutupad noong 2021 subalit naantala ito dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic kung saan patuloy ang pagbangon sa sektor ng ekonomiya sa bansa.