409 total views
Pinapahirapan ng hindi maabatang oil price hike ang sector ng agrikultura sa bansa.
Ito ang inamin ni Samahan Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairperson Rosendo So matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa mahigit 4.3-milyon ang bilang ng mga walang trabaho para sa buwan ng Setyembre 2021.
Sa tala, nangunguna ang mga manggagawang mula sa sektor ng Agrikultura kung saan umabot ang bilang ng mga walang hanapbuhay sa higit 862-libo.
“Last year nasa Php29 lang yung diesel ngayon nasa Php51 na, yung gasolina almost Php61-Php62 ang laki ng itinaas so lalong nahihirapan talaga yung sektor ng agriculture diba dahil yung pag-gamit ng ng mga equipment mga traktor, razor at patubig doon sa farmland kailangan ng krudo tsaka gasolina, ang cause ng pagbaba pagtaas so expected bagong- mahihirapan ang Agri-Sector,” pahayag ni So sa Radio Veritas.
Tinukoy din ni So ang pananalasa ng mga bagyo na lubos na nakaapekto sa sector ng agrikultura ng bansa na higit na nagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda.
Kaugnay nito, nanawagan ang SINAG sa pamahalaan na tulungang makabangon at makabawi ang mga magsasakang nasalanta ng kalamidad upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin maging ng mga produktong petrolyo.
“So far wala masyadong naramdaman yung majority, yung sector ng agrikultura lalo na hindi sapat yung pag-support sa ating Agri-sector, yung pagbili nalang ng palay, hiningi natin na i-increase yung procurement ng NFA dahil mga total 2% ang aanihin ng community nila hindi naman nila inincrease yung procurement doon sa mga magtatanim ulit, we hope na matulungan dahil yung inputs talagang almost 2.5 times yung increase yung ang malaking problema ng mga magsasaka ngayon, chain reaction yan kung mataas ang produkto siyempre ibebenta ng mas mataaas yun,” ayon sa pahayag ni So.
Sinabi ni So na suliranin din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga fertilizers o pataba sa lupa.
“May na-allocate doon sa bayanihan 2, parang 1-thousand pesos per hectare na 2 box of fertilizer na subsidy yung sa in-out inbreed, yung sa high breed lalo na mga 3 box of fertilizer, pero ngayon lalong tumaas ang pataba parang lumalabas nagbabayad parin yung magsasaka ng kalahati dahil dati kung 850 lang yung presyo ngayon umaabot na ng 2-thousand,” dagdag ni So.
Iminungkahi ni So sa pamahalaan na tugunan ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at paglalaan ng malaking pondo sa agriculture sector.
Una ng ipinabatid ng Kanyang Kabanalang Francisco ang mensaheng pangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na pangunahing sector na lumilikha ng pagkain sa buong daigdig.