Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 75,410 total views

Mga Kapanalig, isa na namang oil tanker ang lumubog sa ating karagatan. Patungong Iloilo ang MT Terranova na may lulang 1.4 milyon litrong industrial oil noong Hulyo 25 malapit sa baybayin ng Limay, Bataan. 

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nasa 11,000 na mangingisda sa Bataan at 8,000 na mangingisda sa Bulacan ang maaaring mapektuhan ng oil spill. Noong Hulyo 31, isinailalim sa state of calamity ang walong bayan sa Cavite. Gaya ng Limay, Bataan, no-catch zone na rin sa mga bayang ito. Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, nasa 25,000 mangingisda sa mga apektadong bayan ang nangangailangan ng tulong dahil sa kawalan ng hanapbuhay. Sa tantya ng Pamalakaya, isang pederasyon ng mga mangingisda, pinakaapektado sa Cavite ang Naic (na may 7,000 na mangingisda) at Rosario (na may 6,000 na mangingisda). Pinangangambahang umabot na rin ang oil spill sa Manila Bay. 

Ang kompanyang SL Harbor Bulk Terminal Corporation ang sinasabing umarkila sa MT Terranova. Bilang isang subsidiary, konektado ang kompanya sa San Miguel Shipping na kung matatandaan ay umarkila sa MT Princess Empress na lumubog at nagdulot din ng malawakang oil spill sa Mindoro noong nakaraang taon. Pag-aari naman ang MT Terranova ng Shipowner Shogun Ships Company Incorporated. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa nakikipag-ugnayan sa opisina ni Bataan Governor Jose Enrique Garcia III ang may-ari ng barko para pag-usapan ang pagbabayad-danyos sa mga apektadong komunidad sa probinsya. Ayon naman sa Philippine Coast Guard, kumikilos na ang pamahalaan, katuwang ang pribadong sektor katulad ng Petron Corporation, na bahagi ng San Miguel Group of Companies, at ng Shipowner Shogun upang pigilan ang paglawak ng oil spill. 

Nanawagan naman ang iba’t ibang environmental groups sa pamahalaan na papanagutin ang mga kumpanyang responsable sa panibagong insidente ng oil spill. Para sa Center for Energy, Ecology, and Development (o CEED), pangalawang oil spill na ito sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Mayroon nang dapat mga aral na natutunan sa unang oil spill. Hindi raw ito dapat matulad sa nangyari sa Mindoro kung saan hanggang ngayon ay walang napanagot sa mga polluter. Ganito rin ang panawagan ng Greenpeace. Dapat daw pagbayarin ang mga maysala (o #MakePollutersPay). Anila, ang mga mangingisda, ang pinakamahirap na sektor sa bansa, ang pinakaapektado ng mga krisis na idinudulot ng “climate polluting companies” katulad ng mga fossil fuel at oil companies. Hangga’t hindi raw sila napananagot, magpapatuloy ang mga pinsalang bunga ng kanilang pagiging iresponsable.  

Katulad ng sinasabi sa Catholic social teaching na Laudato Si’, ang pagtangis ng mundo ay pagtangis din ng mga dukha. Sa pagkasira ng ating mundo, higit na naaapektuhan ang mahihirap sa ating lipunan sapagkat mas vulnerable sila sa mga epekto nito. Dagdag pa ni Pope Francis, hindi magkahiwalay ang mga kinakaharap nating krisis na panlipunan at krisis na pangkalikasan. 

Sa kaso ng nangyaring oil spill, makikita nating ang pagkasira ng karagatan ay nauuwi sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda. Malinaw itong halimbawa ng mga krisis na inilalarawan ni Pope Francis—ang krisis na pangkalikasan ay krisis na panlipunan din. Ang pag-iyak ng karagatan ay pag-iyak ng mga mangingisda. Kaya malaking kawalan ng katarungan kung walang mapananagot sa insidenteng ito at kung hindi mabibigyan ng angkop at pangmatagalang tulong ang mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay. 

Mga Kapanalig, ilan sa mga unang disipulo ni Hesus ay mga mangingisda. Sa Mateo 4:19, inanyayahan sila ni Hesus upang maging mga “mangingisda ng mga tao.” Huwag sana nating hayaang patuloy na maghirap at maging biktima ng kawalan ng katarungan ang mga mangingisda sa panahon natin ngayon. Panagutin ang mga dapat panagutin sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 10,141 total views

 10,141 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 60,704 total views

 60,704 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 9,312 total views

 9,312 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 65,885 total views

 65,885 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 46,080 total views

 46,080 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 10,143 total views

 10,143 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 60,706 total views

 60,706 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 65,887 total views

 65,887 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 46,082 total views

 46,082 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,681 total views

 43,681 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,362 total views

 52,362 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,124 total views

 67,124 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,239 total views

 74,239 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,369 total views

 48,369 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,141 total views

 48,141 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 47,842 total views

 47,842 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,176 total views

 40,176 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,756 total views

 79,756 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 87,310 total views

 87,310 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,193 total views

 83,193 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top