558 total views
Inaanyayahan ng Ministry of Youth ng Diocese ng Imus ang bawat pamilya lalo na ang mga kabataan na makiisa sa isang napapanahong pagninilay ngayong darating na panahon ng Adbiyento.
Ito ay ang Online Advent Recollection na may temang “Ang Kabataan sa kanyang Pamilya ngayong panahon ng Pandemya”, na isasagawa sa ika-5 ng Disyembre, sa ganap na alas-7 y media ng gabi via livestreaming.
Makakasama sa nasabing recollection sina Bro. Obet “Daddy O” Cabrillas, ang motivational speaker at Director ng Radical Men Discipleship ng Light of Jesus Family, at si Imus Bishop Reynaldo Evangelista.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang facebook page ng Ministry sa Kabataan-Diyosesis ng Imus.
Magugunitang noong ika-18 ng Enero, 2015, idinaos sa University of Santo Tomas ang Pope Francis’ Meeting with the Youth, kung saan hinimok ng Santo Papa ang mga kabataan na pangalagaan ang kalikasan dahil ang pag-abuso rito ay mariing paglabag sa utos ng Panginoong Diyos.
Batay naman sa tala, tinatayang umaabot sa 20 porsyento ng mahigit sa 80 milyong mga katolikong pilipino ay mga kabataang may edad na 15 hanggang 24 na taong gulang.