387 total views
Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglulunsad ng Online Catechetical Programs ng Jaro Archdiocesan Commission on Catechesis and Catholic Education sa gitna ng pandemya.
Ayon sa Arsobispo, hindi dapat na magsilbing hadlang ang COVID-19 pandemic sa pagbabahagi ng Mabuting Balita at pangako ng kaligtasan ng Panginoon.
Pagbabahagi ni Archbishop Lazo ang paggamit ng teknolohiya at internet ay isang epektibong paraan upang patuloy na maabot ng Simbahan ang mga mananamapalataya at makapagbahagi ng katesismo na magsisilbing matatag na saligan ng pananampalataya partikular na ng mga kabataan.
Paliwanag ng Arsobispo, higit na kinakailangan ng mga kabataan ang gabay pang-espiritwal lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan nananaig ang kawalan ng katiyakan na dulot ng patuloy na banta ng pandemya sa bansa.
“In and out the pandemic we continue to proclaim the Good News of salvation and healing to God’s people. The Archdiocesan Commission on Catechesis and Catholic Education header by Fr. Rex John Palmos came up with programs to respond to the challenge and meaningfulness in this time of pandemic to reach out to our children, their families and schools.” mensahe ni Archbishop Lazo.
Umaasa naman ang Arsobispo sa aktibong pagtugon ng lahat ng mga parokya sa arkidiyosesis sa patuloy na hamon ng ebanghelisasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“I hope that all of us in the local church of Jaro be able to support, embrace and provide the needed catechists to continue the mission entrusted to us to proclaim the good news of healing and salvation.” Dagdag pa ni Archbishop Lazo.
Ang serye ng online catechetical lessons ng Archdiocese of Jaro na pinamagitang HOMECAT: Katekesis ONLINE sa PANIMALAY ay gagawin tuwing Martes ganap na alas-syete y medya ng gabi na kung saan maaring makibahagi sa pamamagitan ng official FB page ng Archdiocese of Jaro.
Layunin ng serye ng online catechetical lessons na maabot ang mga kabataan particular na ang mag-aaral mula sa Primary Level (Kinder hanggang Grade 3), Intermediate Level (Grade 4 hanggang Grade 6) at Secondary Level (Grade 7 hanggang Grade 12).