220 total views
Kapanalig. Isa sa mga problemang dala ng makabagong teknolohiya ngayon ay ang mas madalas na insidente ng online harassment.
Masyadong malaya ang maraming mga netizens sa likod ng kanilang mga computer monitors o smartphones. Wala ng takot ang maraming mga mamamayan sa pagpahayag ng kahit napakaruming mga salita o kahit pa mga death threats. Pakiramdam nila, nakakapagtago sila sa Internet, at ang kanilang mga sinasambulat sa social media ay hindi repleksyon ng kanilang tunay na pagkatao. Ang paniwalang ganito ay napaka-laking pagkakamali. Ang harassment ay kasalanan, online man o offline ito. Sa mga mararahas na salita na lumalabas sa ating bibig, keyboards o telepono naaninag ang poot at pagkamuhi natin sa tao, sa ating paligid, sa mundo. Kahit saan tingnan, ang taong puno ng hatred o poot ay malayo sa liwanag na inaalay ng Diyos sa ating lahat.
Ang online harassment kapanalig ay insidious – hindi lamang nito sinasaktan ang object of hatred, pati ang nang-haharass ay nasasaktan din. Sinisira nito ang pagkatao ng perpetrator at ng biktima. Sinisira nito ang fabric of society – ang esensya ng ating samahan bilang isang lahi, isang malaking komunidad, isang kapatiran.
Kapanalig, ayon sa pag-aaral ng Plan International, pito sa sampung babae sa ating bansa ang nakakaranas ng harassment, partikular mula sa social media. Ayon sa mga nasurvey ng pag-aaral, madalas mangyari ang online harassment. Sila mismo o mga kakilala nilang babae ang target ng karahasan na ito. 67% ng mga nasurvey ang nagsabi na mga kakilala nila mismo ang nangha-haharass sa kanila.
Napakalaki ng epekto ng online harassment. Kahit pa sa social media ito nangyayari, ang epekto nito sa physical reality ng mga biktima ay nakapalaki. Ang harassment na ito ay maaring makasira sa mental health ng biktima. Magtutulak ito sa kanya na mawalan ng tiwala sa sarili, mawalan ng pag-asa, at sa napakalalim na depresyon.
Alam niyo kapanalig, whole society approach ang kailangan sa problema na ito. Kailangan ng polisiya at ngipin ng batas upang mabantayan ang hate speech at online harassment; ang mga moderators ng mga social media groups ay kailangan aktibo sa pagbabantay din sa kanilang hanay. Ang mga social media companies ay dapat mas malinaw at mas mataas ang community standards upang ang ating lipunan ay hindi naman malugmok sa kabi-kabilang online harassment. Ang mga magulang at mga guro ay kailangan maging mas mapagmatyag.
Kapanalig, walang kwenta ang teknolohiya kung niyuyurak nito ang dangal ng tao. Ayon nga sa Mater et Magistra: whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity.
Sumainyo ang Katotohanan.