Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

SHARE THE TRUTH

 587 total views

Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo.

Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa mga likas na yaman at matiyak na sila’y makakatanggap ng tamang bahagi ng benepisyo mula sa paggamit ng kanilang mga yaman.

Sinabi ni Bishop Dimoc na sa pamamagitan ng CADT, mapapangalagaan ang mga katutubo laban sa mga malalaking kumpanyang nagdudulot ng pang-aabuso at labis na pinsala sa mga pamayanan at lupaing ninuno.

“Meron naman silang title na hindi nakasulat, ito ‘yung native title, pero kailangan gawin ‘yan na nakasulat para mas maprotektahan sila sa development aggresions…So that they may be co-responsible in protecting their resources and the proper use of their resources for the development of people,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na sa kabila ng pagkakaroon ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) mula pa noong 1997, mas mababa pa sa 50-porsyento ang natapos ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) pagdating sa pagbibigay ng opisyal na titulo sa mga lupaing ninuno.

Ito ang dahilan kaya’t maraming katutubong pamayanan ang nanganganib na mawala ang mga lupain at pasukin ng mga malalaking korporasyon nang walang kaukulang pahintulot.

“Maraming mga communities who are endangered or dispossessed of their lands. Why? Because they were not protected by a tenurial instrument na appropriate sa kanila, gaya ng ancestral domain title. So, less than 50-percent pa ‘yung accomplishment ng NCIP on the issuance of ancestral domain titles. Ayan ‘yung nakakatakot kasi pwedeng pasukin ‘yan ng mga developers without even a tenurial instrument,” paliwanag ni Bishop Dimoc.

Panawagan ni Bishop Dimoc sa pamahalaan na bigyang-prayoridad, lalo ng NCIP at mga mambabatas, ang pagtukoy sa hangganan ng mga lupaing ninuno nang sa gayo’y maibigay sa kanila ang karapatang magkaroon ng opisyal na titulo ng kanilang mga pag-aaring lupain.

“Those who are in the government, especially the NCIP and the legislators who are approving the budgets, the NCIP should prioritize the delineation of the ancestral domains of the indigenous peoples para magkaroon ng CADT. Because without the title, then they are exposed to dangers,” saad ni Bishop Dimoc.

Ginawa ni Bishop Dimoc ang pahayag kasabay ng paglulunsad sa National Indigenous Peoples Month 2024 sa pamayanan ng mga katutubong Isneg sa Sitio Bubog, Barangay Nabuangan, Conner, Apayao, sa pangunguna ng Apostolic Vicariate of Tabuk katuwang ang CBCP-ECIP.

Batay sa tala ng NCIP, tinatayang humigit-kumulang 15-milyon ang populasyon ng mga katutubo sa buong bansa, na nahaharap sa iba’t ibang hamon upang mapangalagaan ang kanilang mga lupaing ninuno laban sa mapaminsalang epekto ng mga proyekto at pag-unlad.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Makinig bago mag-react

 35,280 total views

 35,280 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 44,757 total views

 44,757 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 44,174 total views

 44,174 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 57,098 total views

 57,098 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »

Iligtas ang mga bata

 78,133 total views

 78,133 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 683 total views

 683 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 3,538 total views

 3,538 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 4,583 total views

 4,583 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 4,683 total views

 4,683 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 5,262 total views

 5,262 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

 5,869 total views

 5,869 total views Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina. “We

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 5,852 total views

 5,852 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 7,016 total views

 7,016 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

 6,618 total views

 6,618 total views Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

VP Sara, hindi dapat palampasin sa ginawang pagkakamali

 7,851 total views

 7,851 total views Binigyang-diin ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Jr. ang kahalagahan ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na sa mga pampublikong pagdinig o public hearings. Ito ang pahayag ni Bishop Bacani kaugnay sa mga naging pagkilos ni Vice president Sara Duterte sa budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP), gayundin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Save Tañon Strait, inilunsad

 7,868 total views

 7,868 total views Inilunsad ng mga makakalikasang grupo mula sa Cebu at Negros ang “Save Tañon Strait” campaign bilang mariing pagtutol sa binabalak na pagpapalawak ng coal-fired power plant sa Toledo City, Cebu. Layunin ng inisyatibo na paigtingin ang panawagan para pangalagaan ang Tañon Strait, ang pangalawang pinakamalaking marine protected area sa bansa at kinikilala bilang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of San Carlos, nanawagan ng tulong

 8,500 total views

 8,500 total views Patuloy ang pagpapalikas sa mga residente sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa Mount Kanlaon bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan. Ayon kay San Carlos Social Action Director, Fr. Ricky Bebosa, mula pa noong nakaraang linggo ay ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Kanlaon City,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Advocacy conference, isasagawa ng UST

 8,037 total views

 8,037 total views Magsasagawa ng advocacy conference ang University of Santo Tomas-Institute of Religion (UST-IR) sa pamamagitan ng Committee on Religious and Academic Formation of Thomasians (CRAFT) bilang pagdiriwang sa 2024 United Nations International Day of Peace at pagtugon sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco. Tema ng gawain ang “Together We Dream, Hope,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

 9,330 total views

 9,330 total views Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region. Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Grand Marian exhibit, isasagawa ng Radio Veritas

 8,341 total views

 8,341 total views Muling inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mga kapanalig sa isasagawang Grand Marian Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City. Ito ang Mary and the Healing Saints exhibit kung saan itatampok ang nasa 100 imahen ng Mahal na Birheng Maria at mga mapaghimala at nagpapagaling na santo, tulad ng Mahal na Birhen

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top