Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

SHARE THE TRUTH

 1,080 total views

Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan.

Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang pagdalo sa COP29 Summit ay pagpapakita ng matibay na pangako at paninindigan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na kumilos para sa katarungang ekolohikal at harapin ang epekto ng pagbabago ng klima.

Binigyang-diin ng obispo na ang kanyang pagdalo sa pandaigdigang pagtitipon ay mahalagang pagkakataon upang maipahayag ang mga karanasan at pananaw ng mga komunidad sa Pilipinas na labis na apektado ng krisis sa klima.

“Our participation in COP29 represents more than just attendance at an international conference. It is a crucial opportunity to advocate for our communities who bear the brunt of climate change impacts while having contributed the least to this crisis,” ayon kay Bishop Alminaza.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng Caritas Philippines sa COP29 Summit ang pagsusulong ng makatarungang paglipat sa malinis na enerhiya para sa kapakanan ng mga pamayanang madalas masalanta ng mga sakuna, pati na rin ang panawagan para sa pagbawi ng utang upang matulungan ang mga bansang umuunlad, tulad ng Pilipinas, sa pagtugon sa mga hamon ng nagbabagong klima.

Suportado rin ng development at advocacy arm ng CBCP ang kampanya laban sa patuloy na paggamit at paglawak ng fossil fuels upang matugunan ang pangunahing sanhi ng krisis sa klima.

Bilang kinatawan mula sa bansang lubos na apektado ng mga panganib dulot ng pagbabago ng klima, sisikapin ni Bishop Alminaza na itaguyod ang usapin ng pananagutan sa klima sa mga pag-uusap sa pandaigdigang pagtitipon.

Muling magtitipon sa COP29 Summit ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang iba’t ibang lider ng bansa, civil society organizations, at climate experts upang isulong ang mga hakbang laban sa pagbabago ng klima at paigtingin ang mga pangako sa ilalim ng Paris Agreement.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 27,489 total views

 27,489 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 38,564 total views

 38,564 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 44,897 total views

 44,897 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 49,511 total views

 49,511 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 51,072 total views

 51,072 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, pinangangambahan

 248 total views

 248 total views Nangangamba si San Carlos Diocesan Social Action Director, Fr. Ricky Beboso, sa posibleng epekto ng patuloy na pagbuga ng makapal na usok at abo mula sa bulkang Kanlaon sa mga kalapit na pamayanan. Ayon kay Fr. Beboso, ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa kaligtasan,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 2,008 total views

 2,008 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 2,836 total views

 2,836 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 2,948 total views

 2,948 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 4,144 total views

 4,144 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 4,528 total views

 4,528 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 4,941 total views

 4,941 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 6,142 total views

 6,142 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 4,811 total views

 4,811 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 5,153 total views

 5,153 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 5,134 total views

 5,134 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 5,189 total views

 5,189 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 5,499 total views

 5,499 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 6,919 total views

 6,919 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 7,282 total views

 7,282 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top